Chapter 5

26.4K 215 18
                                    



Italic Letters and Italic Bold - Past 

Bold And Normal -Present

"Mama! Ayoko talaga sa kaniya ."

"Anak! Ano ka ba?! Kailangan mong makipagkaibigan sa kaniya .."

"Bakit naman po?"

"Mayaman siya Anak . Kaya kailangan mo siyang maging kaibigan ."

"Mama naman ea! Ayoko nga . Ang taba niya tapos ang pangit niya pa."

"Anak? Kailangan baka malay mo makakuha ka ng mga laruan sa kaniya."

"Talaga po? Sige! Sige! Kahit ayoko sa kaniya ."

 

Hinawakan niya ang mga litrato kung saan, Masaya siya sa piling ng babaeng pinakamamahal . Napaupo siya dahil naalala niya kung kailan naging isa lang siyang normal na "bata"

"Zeke .. Doon tayo! Masaya! Halika!" Inabot niya ang kamay ni Zeke at umakyat sila sa puno . "Wow! Ang ganda dito .. " Ngumiti lang siya habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga kumikislap na ilaw ..

"Mag-promise tayo. Walang iwanan ha?" 

"Oo . Promise iyan . Walang iwanan.."

Bumalik sa kaniya ang mukha ni Althea na umiiyak dahil sa ginawa niya . Napapaisip siya dahil hindi niya kayang gawin ang matagal niyang paghihiganti sa babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya .

"Anak! Lumayo ka kay Althea! Ginagamit ka lang niya ."

"Hindi totoo yan! Nangako siya sa akin."

"Anak! Sinungaling siya!" 

 

Meron pinakita ang kaniyang ina na naging dahilan upang magalit siya kay Althea . 

"Anak? Huwag kang magtitiwala sa mga mahihirap. Gagamitin ka lang."

 

Naging tahimik si Zeke sa mataga na panahon . Hindi siya nakikipagkaibigan kung kanino man dahil natatakot siyang magtiwala pero nagbago ang lahat dahil meron siyang nakilalang 2 tao na nagpabago sa kaniya pananaw sa buhay.

"Hello ako pala si Stella at siya naman si Grey!" Umalis lang siya na para bang hindi niya kinakausap ang dalawa.

 

"Hoy! Ang sungit mo naman!" Ang sabi ni Stella sa kaniya . Lagi siyang kinukulit ng dalawa na hindi niya namamalayan na nagbabago na pala siya .

Hanggang sa Umibig siya kay "Stella" pero hinahabol pa rin siya ng kaniyang nakaraan . Gusto niyang tanungin si "Althea" kung bakit niya nagawa sa kaniya iyon?

Kaya nangako siya sa kaniyang sarili na, Gagawin niya ang lahat upang makipaghiganti siya kay "Althea"

Desire the Climax (Editing Process)Where stories live. Discover now