Chapter 16

14.4K 147 10
                                    

"Huseng Sisiw , Katawagan ito ni Jose dela Cruz binigyan siya ng karangalan bilang HARI NG MAKATA , Ang pupular na kaniyang ginawa ay ang HISTORIA FAMOSO DE BERNANDO CARPIO." Namangha ang mga tao sa sagot ni Trixie at naiinis naman ang kaniyang kalaban . 

Nasa huling round na sila ng paligsahan at malapit na siyang manalo . "Tama ang iyong sinagot Trixie . Sa huling pagsubok , May mga taong magtatanong sa inyo tungkol sa Literatura at Pagsusulat. Ang mauuna ay si Grace Hizon. Ang magtatanong ay si FRED ROHAN."

Nagulat si Trixie dahil si Fred ang magtatanong sa kanilang dalawa , Halong kaba at hiya ang nararamdaman niya dahil sa nangyari kanina.



"Bb. Hizon , Sang-ayon ka ba sa Literatura sa Internet , Maraming mga kabataan ngayon ang malayang nakakapagsulat buhat sa internet . Anong masasabi mo dito?" 

Taas noong , Sumagot si Grace sa tanong , Tinignan niya si Trixie na may halong paghahamon. "Hindi ako sang-ayon sa nangyayari ngayon . Sapagkat nakakalimutan na natin ang mga pormal at tamang gramatiko sa pagsusulat . Hindi na nila naayos at nalilinis mabuti ang kanilang sinusulat . Ito lang ang masasabi ko dito. " 

"Magandang sagot Bb.Hizon , Ikaw ang susunod Bb. Dizon.." Sa mga tingin ni Fred kay Trixie ay mas lalong kinakabahan si Trixie sa nangyayari.

"Sang-ayon ako dito , Malaya tayong magsulat ng kahit anong Genre , Malawak ang konsepto ng Literatura , Hindi ibig sabihin na mali ang kaniyang pagsusulat o hindi pormal ay wala na siyang karapatan dito . Sa pagsusulat dito tayo nagkakaroon ng kalayaan sa kahit ano man ang saloobin mo. Ang mahalaga na papahayag mo ito at nakokontrol mo ayon sa gusto mo. Basta masaya ka sa ginagawa mo diyan ka magiging kuntento at liligaya." 

Pumalakpak ang mga tao sa sinagot ni Trixie pero bigla na lang sumingit si Grace sa sagot niya. "So ang ibig mong sabihin kahit walang kwento ang laman ng kwento o basura ay pwede pa rin isulat." Nagtaas ng kilay si Trixie dahil sa sinabi ni Grace.

"Kahit sa basura ay may ginto o pakinabang , Huwag mong sasabihin na basura ang kanilang ginagawa , Pinagisipan nila ito at pinaghirapan , Hindi nila ito ninakaw Walang makakapagsabi na lahat ng tao ay matutuwa sa kaniyang sinulat pero ang tandaan mo . Hindi ka nagsusulat para magpasikat sa mga tao nagsusulat para gumawa ng sarili mong mundo na ninanais mo sa tunay na buhay. Meron ka pa bang gusto sabihin Bb. Grace Hizon." Hamon ni Trixie kay Grace.

Desire the Climax (Editing Process)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora