Chapter 13

18.3K 133 15
                                    

Althea POV's

"Trixie! Alam mo ba nakilala ko si FRED ROHAN , Grabe! Ang Gwapo niya sa personal tapos ang bait niya pa." Kinikwento ko kay Trixie ang nangyari kahapon , Grabe! Hindi ko akalain at nakilala ko ang IDOL ko.

"Tapos? Nagpakitang-gilas ka sa kaniya." Paano nalaman ni Trixie? "Paano mo nalaman?" Hinarap niya ako at sumigaw . "ATE?! ILANG BESES MO NA KASING SINASABI IYAN. PAG KARATING MO DITO AGAD MO NG KINWENTO YAN. KAKASAWA!" Inggit lang itong Kapatid ko dahil sa nangyari sa akin .

Ayoko kasing siyang ipakilala kay Zeke at baka hindi na umalis si Trixie sa tabi ni Zeke.  "Naku! Ewan ko sayo! Tara samahan mo ako , May inuutos si Mama." 

Bibili kami ng mga Gamit sa bahay , Hindi ko nga rin alam kung saan kinuha ni Mama yung pera pero kapag tinatanong ko na siya iniiba ni Mama ang Topic. 

"Sandali , Bibihis lang ako. Saan nakuha ni Mama ang pera?" Ang kapatid ko hindi iyan agad maniniwala at mauto , Matalino kasi kaya hindi naloloko .  "Hindi ko nga rin alam eh . Itanong mo." Naging seryoso ang mukha ni Trixie at pinagmasdan ko siya. "Ate? Baka .." Hindi niya tinuloy ang sinabi niya.

Kinakabahan ako sa Itsura niya parang meron siyang alam na ayokong alamin. "Ate? Baka.." Naiinis na ako dahil ayoko ng putol-putol ang sinasabi. "Ate? Ba--" Hindi ko na siya pinatapos . "Ano?! Kanina ka pa BAKA,BAKA,BAKA! Ano ang sasabihin mo?!" Nainis na ako . Natawa lang si Trixie sa sinabi ko. "Hahaha! Huwag na nga lang! Hintayin mo ako diyan at magbibihis na ako." 

Ewan ko ba sa kapatid ko. Ang gulo niya at nakakabaliw siya . Ang ganda ng Pasko ko ngayong Taon na ito . Gumaling si Mama,Okay na kami ni Zeke at baka may Chance na makakapagcollege ako. 

Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko , Ngayon lang ako naging panatag at walang iniisip . Noong mga panahon na may sakit si Mama at naapektuhan ako sa pababago ni Zeke sa akin , Hindi ko mapigilan ang umiyak Gabi-gabi.  Kaya masaya ako ngayon dahil Okay na ang lahat.

Sana magtuloy-tuloy itong swerte ko sa buhay . Sana Tuloy-Tuloy din ang nangyayari sa amin ni Zeke . Hindi ko masasabi na MAHAL KO SIYA pero gusto ko siyang laging kasama at ngayon nakikita ko na unti-unti nagiging okay kami. 

Minsan nga naguguluhan na ako kung sino ang gusto ko , SI ZEKE O SI GRAY? Pero alam ko naman na yung dalawa na lalaking gusto ko ay may Mahal ng iba. Si Stella. Hindi ako tanga para hindi malaman na may gusto si Zeke at Gray kay Stella.

Desire the Climax (Editing Process)Where stories live. Discover now