Chapter 18

13.5K 148 24
                                    

"Althea?! Mabuti at pumasok ka. Meron akong GOOD NEWS at BAD NEWS? Ano ang gusto mong unahin ko?"

"Donella naman! Pwedeng mamaya na iyan. Yung Good News muna , Mamaya na ang Bad News." 

Wala ako sa mood para makinig dahil PUYAT ako! Puyat! Hindi ko magawang magsaya dahil sa nangyari kahapon . Iniwan ako basta-basta! Sino ba naman ako para pigilan siya diba? 

Anong sasabihin ko? Zeke huwag kang umalis , Hayaan mo na yung bruha na yun. Kaya na niya ang sarili niya. Hayaan mong siya ang gagamot sa sakit niya diba mangkukulam siya? Ako na ang masama. Oo minsan naiinis ako kay Stella dahil sa Mahal siya ni Zeke. Pero maganda ang pakikitungo niya sa akin kaya hindi ko din kayang magsungit sa kaniya.

"Ayoko Girl! Mas maganda kung una ang Bad News.." Tinanong pa ako kung siya din ang masusunod. Ang babaeng ito talaga oh! 

"Sige. Bahala ka.. Pero sana hindi masyadong Bad News yan." 

"Malas ka dahil CLEAN UP DRIVE natin sa School. Kung kailan pumasok ka may Clean Up Drive. Tsaka pala . Ang sabi ng ENGLISH TEACHER natin kapag hindi ka makakapasa sa Subject niya hindi ka daw magkakaGraduate. Malapit na ang Final Exam natin sa kaniya kaya kailangan mong makapasa sa kaniya. Hindi lang daw makapasa dapat Perfect Score ang makuha mo." 

English bakit mo ako pinapahirapan?! Kailangan kong makapasa , Ayokong bumagsak .. Nakakainis naman eh! 

"Good News?" Tanong ko sa kaniya.

"Dahil Clean Up Drive natin , Makakasama natin si Gray!" Gray?! Hindi ba pwedeng Zeke na lang?

"Bakit hindi ka masaya? Akala ko Gusto mo siya."

"Ewan ko. Baka Infatuation na lang ito.

"Wow! Infatuation , Spell mo nga?!"

Baliw talaga itong kaibigan ko. Pero talagang hindi ako nakatulog dahil doon sa Gwapong ang pangalan ay si ALEXANDER. Mga 40's na siya pero GWAPO pa rin siya. Naku! Hindi ko sinasabi na gusto ko siya. Nahihiwagaan lang ako. Bigla-Bigla kayang sumusulpot.

"Tama na yan! Kumuha na kayo ng Walis at maglinis na. Kailangan nating manalo ngayon ." Nagulat kami ng biglang nagsalita si Zeke sa tabi namin. 

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon