Chapter 23

12K 154 20
                                    

Lack of Inspiration. 

Mag-ingay naman kayo! Ang tahimik na dito! 

 Guys! Thank you so much dahil binabasa niyo yung ginagawa ko. Overwhelm ako sa mga Comments niyo , Maraming salamat! Malapit na itong matapos at hindi ko pa alam kung may BOOK 2. Guys! Sana suportahan niyo ito hanggang sa matapos. Maraming Salamat! Mga hanggang Chapter 35 na lang ito. THANK YOU!

"Zeke?! Halika maglaro tayo!" Nandito siya sa Park kung saan naglalaro sila ng madalas . Umupo siya sa Bleacher at napagmasdan niyang hindi na ito bago dahil sa kalawang na metal na nagsisilbing pundasyon upang makaupo ang mga bata dito. 

Tinignan niya ang bandang likuran kung saan nandito pa pala ang isinulat ni Althea noong mga bata pa sila pero kupas na ito at malapit ng mabura dahil sa napagdaanang ulan. Hinawakan niya ito at inalala kung paano niya hinalikan si Althea noong mga oras na nagdilim ang kaniyang paningin.

Pinipigilan niyang ilabas ang tunay niyang emosyon ngunit ng mga oras na iyon ay hindi na niya ito mapigilan . Inaalala niya ang nangyari kanina kung saan kitang-kita niya ang unti-unting paglapat ng mga labi nila Althea.

Lubos siyang naiinis dahil tinignan muna siya ni Gray bago niya muna mahalikan si Althea at alam ni Gray na nandoon si Zeke. Hindi niya alam kung bakit ganiyan ang mga kilos niya kapag kasama niya si Althea.

Ayaw na niyang maibalik ang dati niyang pagkatao hindi dahil sa Ayaw niya kundi dahil sa TAKOT niya na muling masaktan pero ng dahil sa mga nangyayari ay unti-unti siyang nasasaktan dahil nakikita niya si Althea na lumuluha ng dahil sa kaniya. 

Umupo siya muli sa Bleacher at tumingin siya sa langit. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng mga ulap at pag sama-sama ng mga ito, Siguradong uulan maya-maya , Pumikit siya para kumalma at malaman kung ano talaga ang gusto niyang gawin ngayon.

"Waah! Ang ganda!" Bigla niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan kung sino ang nagsalita . May nakita siyang isang babae at lalaki na nasa likuran nila. "Ang ingay mo." Kalma lang ang lalaki pero ang babae ay mangha-mangha sa kaniyang nakikita.

Desire the Climax (Editing Process)Where stories live. Discover now