Chapter 11

19.4K 169 14
                                    






"Master? Sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?"-Lola Nita


 "Opo , Pwede po kayong umuwe sa pamilya niyo ngayong pasko pati na rin po ang lahat ng trabahador sa mansion nato."-Zeke

 

"P-pero W-wala po kayong kasama ."-Lola Nita


"Sanay na po akong mag-isa kada pasko kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin."-Zeke


Nakikinig si Althea sa usapan nina Lola Nita at Zeke , Nasaktan siya dahil mag-isa lang si Zeke ngayong pasko.



Gusto niyang punan ang lungkot ni Zeke ngayon pero nangingibabaw sa kaniya ang takot . Baka mas lalong magalit si Zeke sa kaniya kung gagawin niya ito. 


 

"Althea! HUWAG KANG MAKINIG SA USAPAN NAMIN NI MASTER ZEKE!"-Lola Nita

 

"WAAH! SORRY PO!"-Althea


Nag-isip siya kung ano ang gagawin niya para mapasaya niya si Zeke ngayon ilang oras na lang ay Pasko na. 



"Malungkot na naman si Master Zeke ngayon pasko."-Maid 1

 

"Oo nga , Mag-isa na naman siya."-Maid 2

 

"Hindi kasi umuuwe ang mga magulang niya."-Maid 1


Habang siya ay nakikinig , Mas Lalo siyang nasasaktan , Mag-isa si Zeke lagi kapag Noche Buena . Hindi niya akalain na si Zeke ay nangyayari ito kapag Pasko.




Nakapagdesisyon siya sasamahan niya si Zeke ngayong Noche Buena kahit ngayon lang , Kahit hindi niya masasamahan ang kaniyang Ina at Kapatid . 



Pinuntahan niya si Lola Nita na nageempake ng kaniyang damit. "Lola nita?" Tinignan lang siya ng Matanda "Bakit?" Tanong ng matanda sa kaniya.




Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa Matanda na gusto niyang makasama si Zeke ngayong Pasko.


  

"Uhmm. Si M-Master Z-Zeke , W-Wala po siyang kasama ngayon?"-Utal-Utal na tanong niyang tanong ,Tinignan lang siya ni Lola Nita at nagbuntong-Hininga . 



"Oo , Lagi siyang mag-isa . Kahit hindi niya sinasabi na malungkot siya , Nararamdaman ko yun. Nagtrabaho ako sa kanila noong mga 10 taon siya . Napakatahimik niya at tinataboy ang lahat ng nakikipagkaibigan sa kaniya."-Lola nita.

Desire the Climax (Editing Process)Where stories live. Discover now