Chapter 47

2.2K 48 4
                                    

CHAPTER 47

Wala akong ginawa kundi ang yakapin ang picture ni ate. Hindi ko alam kung anong oras dumating ang katawan niya. Hindi ko rin alam kung sino ang mga nag-asikaso sa libing. Nasa kwarto lang ako. Ayokong lumabas. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa kanya. Kung hindi dahil sa kaartehan ko, hindi na kailangan pang umalis ni ate. Sana sumunod na lang ako sa kanya. Sana nakitira na lang ako kina Ate Hershey. Sobrang hapdi na ng mga mata ko. Walang tigil sa pag-iyak.

Hindi ko nilingon ang bumukas sa pintuan. Naramdaman ko na lang ang yakap niya. Saka ako lalong napahagulhol. Ayokong i-comfort ako, lalo akong nasasaktan. Leave me alone, please.

"Bhie, kumain ka muna. Ilang araw ka ng di kumakain. Nakaka-ilang subo ka lang tapos ayaw mo na." Mahinahong sabi ni Damon.

Tinignan ko siya. 'Yung mga mata niya, nasasaktan. Bakit?

Umiling ako. "Leave me alone," there, I said it.

"I know what you feel-"

"Hindi mo alam!" Sigaw ko. "Sawang sawa na ako sa alam niyo ang nararamdaman ko. Pero hindi niyo alam kung gaano kasakit. Kasi kayo buo pa ang pamilya niyo. Alam niyo ba gaano kasakit na wala na nga akong tatawaging mama at papa. Tapos ngayon, wala na rin ang ate ko." Pumiyok ako. "Ako na lang mag-isa. Iniwan na nila ako. Malas ako. Salot ako."

"Shh. Hindi totoo 'yan. Sorry. Nandito lang ako." Niyakap niya ulit ako pero tinulak ko siya.

"Leave me alone!" Ginamit ko ang buong lakas ko para sumigaw.

"Damon, anong nangyari?" Dinig kong tanong ni Zanea.

Suminghot si Damon. "Wala. Ahh, tulungan ko muna kayo."

Umalis na silang dalawa. Umiyak na lang ako ng umiyak. Tinitigan ko ang picture ni ate. Kinuha ko rin ang huling family picture namin. Kelan tayo magiging kumpleto? Hindi ko na kaya. Gusto kong makasama kayo. Gusto ko na ulit kayong makausap. Wala ng pag-asa na magkaka-picture ulit tayo ng kumpleto diba? Shit... 'Yung puso ko... Ang sakit...

Kailan nga ba kami huling nag-usap ni ate? 2 days ago? 3 days? Nung nandito siya, hindi ko man nasulit. Umalis pa siyang hindi kami magkasundo. Hindi man lang ako nawarningan na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Hindi ko man lang siya nayakap ng matagal. Hindi ko siya naka-kwentuhan ng maayos. Tapos iiwan niya akong ganito? Ate, bakit mo ako iniwan? Sabi mo walang iwanan dahil tayo na lang ang natitira para sa isa't isa. Bakit? Bakit binali mo ang usapan? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagsisisi ngayon? Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan!

"Mama, bakit mo kinuha si ate? Siya lang ba ang mahal mo? Bakit hindi mo ako sinama? Totoo ba ang palaging sinasabi nina tita? Na salot ako at malas? Kaya iniwan niyo na ako mag-isa?" Sabi ko mag-isa.

Pinunasan ko ang pisngi ko pero nababasa pa rin. Alam niyong hindi ko kayang mag-isa. Gusto ko ng sumama sa inyo. Gusto niyo pa ba akong makasama? Mama. Papa. Ate Gail. Mahal niyo ako, diba? Kunin niyo na rin ako, please. Hindi ko na kaya.

Tumayo ako pero wala akong lakas kaya natumba ako. Humagulhol ako. Nakaupo ako sa sahig. Sa pagkakatumba ko ay nahulog ang picture namin. Nagkalat ang basag na picture frame. Kinuha ko ulit ang picture pero nasugatan ako sa daliri. Hindi ako dumaing. Wala ang sakit na ito sa sakit na mag-isa na lang ako. Tumulo ang dugo sa mukha ni ate sa picture. Napaiyak ako lalo. Pinunasan ko ito gamit ang damit ko pero kumalat lang ang mantsa ng dugo sa picture.

"Ano ba! Matanggal ka! Ito lang ang nag-iisa kong family picture!" Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang dugo pero kumalat na lang. "AHHH!" Nagpapadyak ako kaya pati paa ko ay natamaan na rin ng bubog.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon