Chapter 24

2.9K 77 1
                                    

CHAPTER 24

Pilit akong pinapatahan ni Damon sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung anong gagawin para lang tumahan ako sa pag-iyak. Ngayon lang din daw siya nakakita ng kamag-anak na mismong kapamilya nila ang sinasaktan nila. Siguro sa kanila, nagmamahalan lahat sila.

"Gibrielle, stop crying. They don't deserve it. Ikaw ang dapat na nandoon." Sabi ni Damon.

Tiningnan ko siya. "Akala ko, magbabago na ang pagtingin nila sakin nung humingi ako ng tulong sa kapatid ng lola ko. May pinsan si papa sa London na doktor. Nagpadala sila ng pera para pamasahe nina mama at papa pero nagkulang kaya nangutang ulit si mama. Hanggang sa mabuo na. Natuloy sila sa pag-alis pero iyon na rin pala ang huling araw na makakasama namin sila. Lalo silang nagalit sakin. Tama naman sila. Ako ang may kasalanan, kung hindi sila umalis, hindi sila mamamatay."

Humagulhol ulit ako.

Sinugod ako ng mga tita ko sa amin pagkarinig nila sa balita. Walang nagawa si ate nung saktan nila ako. Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari noon, naiiyak ako, nasasaktan ako. Daig ko pa si Cinderella. Kaya nahantong ako sa ganito. Umalis si ate para mabuhay kaming dalawa. Ang gusto niya, makitira ako sa kapatid ni papa pero hindi ko sila masyadong kilala dahil sa natatakot din ako. Ang sabi ni ate, mababait daw sila, hindi katulad ng mga tita namin sa side ni mama. Pero hindi ko pa rin kaya. Alam niya kung gaano ako nasaktan kaya hinayaan na lang niya ako. Naghanap siya ng trabaho hanggang sa may nag-recommend sa kanya na maging call center agent sa Canada.

Pareho naman naming ayaw maging pabigat sa iba naming kamag-anak. Gusto ko rin siyang tulungan sa pagtatrabaho pero ayaw niya. Siya daw ang magtatrabaho para makatapos ako. Napilitan siyang huminto ng pag-aaral para lang maipagpatuloy ko ang akin.

"Wala kang kasalanan. Anak ka at naghanap ka lang ng paraan para mapagaling ang papa mo. Hindi mo na saklaw 'yung aksidente. Tahan na, please."

"I'm sorry." Pilit akong tumahan. "Iwan mo na lang ako dito-"

"Tinutulak mo ba ako palayo?" Baling niya. Nagkasalubong ang mga kilay niya. Ramdam ko na kasi ang frustration niya.

"Hindi," Humagulhol ulit ako. "Nahihiya lang ako."

"Sila ang dapat mahiya sa pinaggagagawa nila. Kung hindi lang kita iniisip, nasagot ko na silang lahat."

Tumahan na ako at naghintay ng oras sa loob ng sasakyan. Dito na rin kami kumain ng pagkain. Alas kwatro na pero nandun pa rin sila. Hindi nila ginalaw ang mga pagkain dahil may mga dala sila. Nakamasid lang ako sa kanila. Nagtatawanan sila. Pinigilan ko ulit ang pag-iyak. Buo silang pamilya, masaya, at magkakasama. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Damon. Back hugs are really the best. Suminghot ako at tumingin sa taas. Ayokong umiyak. Para kay Damon.

Ano kayang pakiramdam na kasama sila? Paano kaya kung hindi sila galit sa akin? May pag-asa pa bang matatanggap nila ako?

Habang pinagmamasdan ko sila, nakakita ako ng dalawang sasakyan. Dumating na ang dalawang kapatid ni papa kasama ang pamilya nila. Nag-usap sila at may isang babae na papalapit sa van namin. Binuksan ko kaagad ang pintuan.

"Hi, Gibrielle. I'm your Ate Hershey. Mom wants you there. Let's go?" Nakangiti niyang sabi.

Natatandaan ko siya. Alam ko naman ang mga mukha at pangalan ng relatives ko sa side ni papa pero hindi ko pa sila kailanman nakausap. Umiling ako.

"Dito na lang po ako. Ayokong makagulo sa inyo,"

"Ano? Sinabi nila sayo 'yan, ano? Hahayaan mo bang hindi mo makasama ang parents mo ngayon? Ikaw ang may karapatan na mag-stay dun, Gibrielle."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon