CHAPTER 16
“He's the type of man who will die for you and yet will live because of you.”
-Mommy Debby“Gibrielle?” Gulat na gulat ang reaksyon ng mommy ni Damon nang pumasok kami sa kanilang bahay.
Hindi ko alam kung anong itsura ng mukha ko. Hindi lang mommy niya ang nandito kundi pati mga kapatid niya. Hindi na ako magtataka kung tinawagan sila ni Damon para magtipon-tipon.
Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko nang yakapin niya ako. Bakit ganito? Bakit hindi sampal ang inaabot ko sa pagbabalik ko? Bakit yakap? Hindi ba siya galit sa akin dahil bigla ko na lang iniwan ang anak niya? Sa panahon pa na kailangang-kailangan ako ni Damon dahil kakamatay lang ng daddy niya.
“Gibrielle... I know babalik ka... Where have you been, hija? Pinag-alala mo kaming lahat ng mawala ka.” Sabi ng mommy ni Damon habang nakayakap pa rin sa akin.
“Welcome back, Gibrielle!” Ngiti nina Ate Aubrey sa akin.
Maging ang mga kapatid ni Damon ay binati na ako. Lahat sila nakangiti sa akin.
“Tita Yelyel!” Dinig kong tawag ng isang batang babae.
“Beca?” Nagtatanong ang mga mata ko.
Kumalas sa yakap ang mommy ni Damon saka ngitian ako at 'yung batang babae. Lumapit siya sa akin kaya lumuhod ako para mayakap din niya ako.
“You still remember me, Tita Yelyel?” Tanong niya.
Napatingin ako kay Damon na nginitian lang ako. “Syempre naman, Beca. Tita Yelyel will always remember you. Inaalagaan ka namin dati nung baby ka pa.”
Humiwalay ako sa pagkakayap niya. “I remember you, Beca.” Nginitian ko siya.
“Palagi niya kasing tinitingnan ang mga pictures sa kwarto kapag umuuwi kami dito.” Sabi ni Ate Aubrey.
Marahil ay 'yung mga pictures namin dati sa tuwing inaalagaan namin siya ni Damon. Hindi ko maisip na ang bilis ng panahon. Ang daldal niya noon at hanggang ngayon.
“But uncle where is Teacher Marie? Is Tita Yelyel your friend?”
Napaiwas ako ng tingin nang marinig iyon sa bata.
“I'm sorry.” Nahihiyang sabi ni Ate Aubrey saka nilapitan ang anak. “Beca, let's go to your room. I'll tell you something.”
“Okay.” Sabi lang ng bata at sumunod sa kanyang mommy pumasok sa kanilang kwarto.
“Pagpasensyahan mo na ang kadaldalan ng anak ko, Gibrielle.” Sabi rin ni Kuya Dion.
Ngumiti na lang ako ng tipid. Hindi ko matingnan si Damon. Naramdaman kong hinawakan ako ng mommy niya sa kamay. Umangat ang tingin ko sa kanya.
“Can I talk to you?” Malambing niyang tanong.
“Po? Sige po.”
Walang salita kaming sinabi nang pumasok kami sa kwarto niya. Pagkapasok ko sa kanyang kwarto, mas kinurot ang puso ko nang makitang ni minsan ay parang hindi tinanggal ang mga naka-display na pictures na iyon sa kanyang kwarto. Family picture nila na kasama ako. May ibang pictures na kaming dalawa at kaming dalawa ni Damon.
Umupo kami sa kanyang kama. Naglakas-loob na akong magsalita. “Tita, sorry po kung umalis ako ng walang paalam-” Umiling agad siya kaya natigilan ako sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
That Frat Leader (TFL SERIES #1)
RomanceThat Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)