BOOK 2-Chapter 16

1.3K 26 1
                                    

CHAPTER 16

"Falling asleep beside your love is one of the best feeling. But waking up beside him is beyond best."
   -c.




Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano na ang ginagawa nina Damon ngayon. Ayoko ng makialam dahil wala naman akong alam doon at baka makagulo lang ulit ako. Alam ko namang may kasalanan ako kung bakit nangyayari ito.

Nakikinig ako ng music habang nagbabasa ng libro. Parehong walang pumapasok sa utak ko dahil sa wala dito ang focus ko. Sinubukan ko rin manood ng movie pero pinatay ko rin naman kaagad. Masyadong occupied ang utak ko. Pilit akong umiiwas pero hindi ko naman kaya. Kinuha ko na ang phone ko at dinial ang number ni Damon. Hindi ako sigurado kung magkakasama pa rin ba sila o nasa condo na siya.

"Hello, Damon." Bungad ko. "Nasaan ka? Anong nangyari sa meeting n'yo?"

"Nasa condo na ako. Ba't hindi ka pa natutulog?"

"Hindi ako makatulog."

"Bhie, sorry, hindi na kita tinawagan. Akala ko nagpapahinga ka na. Balak ko na rin sana magtext pero tumawag ka na."

"Bakit? Kakarating mo lang ba?"

"Oo," dinig ko ang kapaguran sa boses niya. "Naghanap na rin kasi kami."

"Did you eat? Sabihin mo ang totoo!"

Humalakhak siya. "Hindi pa."

"Kumain ka na. Huwag 'yung fastfood, please. May restau naman malapit diyan, hindi ka naman marunong magluto."

"Inaasar mo na yata ako e? Hindi na ako kakain." Tawa niya.

"Wala naman kasi ako diyan para ipagluto ka. Damon, please, kumain ka ha."

"Opo. Pero mas gusto ko luto mo."

"Ano? Malayo. Diyan ka na lang sa malapit."

"Walang malayo pagdating sayo, tandaan mo 'yan."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig. Nawala 'yung gulo sa isip ko. "Damon!"

"Ano? Magluto ka na habang hinihintay mo 'ko."

"Seryoso ka?" Alam ko naman kasi kung bakit nagpupumilit siyang pumunta dito.

"Oo. Nasa elevator na nga ako pababa e." Tumawa ulit siya.

"Argh! Oo na! Magluluto na ako."

"Sure. Sarapan mo ah. Gutom na gutom na ako e."

"Ha? E ipi-prito ko lang 'yung binili ni Ate Hershey na fish fillet. 'Yun din ulam namin kanina e. May soup naman."

"Okay lang. Hindi naman ako maarte sa ulam."

"Err... o sige. Mag-iingat ka sa pagda-drive."

"Yes, Mrs. De Dios."

Pinatay ko na ang tawag at niligpit ang mga kalat sa kama ko. Inipit ko ang buhok kong basa kanina kaya hindi rin talaga ako pwedeng matulog. Bumaba na ako papuntang kusina para iprito 'yung fish fillet. Kasabay ko na rin pinainit 'yung mushroom soup sa microwave. Malakas kumain ng kanin si Damon, parang 'yung ibang lalake lang na malakas kumain. Naubos namin kanina ni Ate Hershey 'yung kanin kaya nagsalang na ako ng panibago sa rice cooker. Pinagsasabay ko na dahil alam kong any minute ay nandito na si Damon.

"Gibrielle, nagutom ka yata?"

Napatalon ako sa biglang pagsasalita ni Ate Hershey. Nilingon ko siya na may hawak na baso at palapit sa water dispenser.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon