BOOK 3- Chapter 36

406 13 3
                                    

CHAPTER 36




It's D-day. It's the most awaited day of our lives. Pareho kami ni Zanea na kinakabahan sa likod ng mga nagniningning naming mga ngiti. Hindi rin nawawala ang mga flash ng camera para sa pictures at videos ng kasal namin.



Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Ano bang pinagkaiba nun sa ngayon? Kinasal na kami ni Damon kahapon sa harap ng Panginoon. Siguro pinagkaiba lang ang maayos na seremonya. Pero kahapon ko talaga naisip at tinatak sa isip ko na kahit anong mangyari, magtitiwala ako kay Damon. Magtitiwala ako sa pagmamahalan namin. Hinding-hindi ako agad bibitaw.



(Yesterday)


"Damon, where are we going?" Tanong ko habang nasa biyahe kami.


Hindi kasi pamilyar ang dinadaanan namin. Natatakot nga ako dahil cliff ang nasa kabilang gilid ng daan, at halatang nasa parte kami ng isang bundok. Hindi ko nga lang alam kung saan ang destinasyon namin at kung nasaang lugar kami. Kahit kailan naman hindi ako maaasahan sa lugar. I know nothing about places.



"You'll be surprised." Iyon lang ang sagot niya.


Tumahimik na lang ako at naghintay na makarating sa paroroonan namin. We both turned our phones off earlier dahil iyon ang sinabi niya. Nagtataka pero wala na akong magagawa. Pagkatapos kasi namin sa simbahan, dito na kami dumiretso. Naririnig ko na nga rin ang ingay ng tiyan ko dahil sa gutom.


"Matagal pa ba?" Tanong ko.


Humalakhak naman si Damon. "Did I pick the wrong location? I thought it'd be perfect to stay far away from them."


Kumunot na ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo, Damon? Saan ba kasi talaga tayo pupunta? May mga tao pa ba sa pupuntahan natin? May signal pa ba doon?"


"5 minutes."


Tumahimik na lang ulit ako. Inenjoy ko na lang ang magandang view na nakikita ko sa mga nadadaanan namin. Mataas ang sikat ng araw dahil summer pa rin. Pero hindi iyon naging sagabal sa ganda ng nakikita ko.


Matapos ang paghihintay ay nakarating kami sa isang mas magandang lugar. Pagkapark ni Damon ng sasakyan, kaagad akong bumaba para mas makita kung nasaan kami. I would literally say we're in the forest but after seeing there's a picturesque house, hindi siguro masamang manirahan dito kung sino man may-ari nito.


"Do you like it?" Tanong ni Damon.


Bumaling ako sa kanya na nasa likod ko. "Yes. Pero sino may-ari nito? Sinong nakatira dito?"


"Ikaw."


"Ha?"


Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka muling hinarap sa bahay na napapalibutan ng mga magaganda at matataas na puno.


"This will be our house... our home."


Hindi agad ako nakapagsalita. Pilit kong inaabsorb ang sinabi ni Damon. Bahay ko ang nakikita ko ngayon? Marami akong gustong itanong kay Damon pero hindi ako makapagsalita.


"This has been my ultimate project ever since I graduated. Hindi ko alam kung bakit pinagpatuloy ko siya knowing that you are my inspiration behind it. Wala ka na sa tabi ko pero buhay ito sa imahinasyon ko kaya pinagpatuloy ko na lang."


"Paano pala kung hindi ako bumalik? Para kanino ito?" Tanong ko na lang sa kanya saka siya nilingon.


Nagkibit-balikat siya. "Magiging rest house na lang siguro ng AGP."


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon