Chapter 29

2.3K 65 7
                                    

CHAPTER 29

Maaga akong umalis ng bahay in case na puntahan ako ni Damon. Kami pa rin ba? Wala namang nagsabi na break na kami, diba? Away lang ito na maaayos rin. Pero hindi pa ako handang makausap siya. Hindi ko alam. Natatakot yata ako. Natatakot akong bigyan ako ng pagpipilian.

I left a note to Zanea saying that I had gone early to school. Nag-iwan rin ako ng breakfast para sa kanya. Alam ni ate na may kasama ako sa bahay at okay daw iyon para hindi ako nag-iisa. And up to now, hindi pa ako tinatawagan ni ate. Sinubukan ko siyang tawagan pero busy ang phone niya. Hindi rin siya nag-oonline. Ano na bang nangyari sa kanya?

Pagkarating ko ng school, naglakad lakad muna ako. Pinatay ko ang cellphone ko dahil ayoko ng distraction. In case na tumawag si ate, ipapaalam naman niya sa text na tumawag siya. Nakarating ako sa garden ng university. Kapag may napapadaang frat member, tatanguan nila ako. Hanggang sa makita ko si Traz. Nilapitan niya ako. Aside from Hunter, siya lang ang kaclose ko sa mga frat members. Well, nakakausap ko naman sina Brix pero mas magaan kasama si Traz at medyo suplado sa iba pero hindi sa akin.

"Mag-isa ka diyan? Saan ang bhie mo?" Tanong niya pagkalapit sakin.

Tumawa na lang ako. "I need some fresh air," alam ko naman na alam niya ang nangyari.

"Bakit? Masyado bang possessive si Damon sayo?" Tumawa na rin siya.

"Hindi naman,"

Pareho kaming nanahimik at pinagmasdan ang paligid kasama ang mga estudyanteng hindi mapakali sa paglalakad. May mga zombies na namang tumitingin sa amin.

"Ganyan ba talaga dito? Makita lang nilang may kasamang iba ibang lalaki ang isang babae, issue na agad sa kanila? Malandi na agad?" Tanong ko na lang pero hindi siya nililingon.

Narinig ko ang tawa niya. "Inggit siguro sila kasi nginingitian kita samantalang sila hindi."

Sinamaan ko na siya ng tingin. "Lahat rin ba ng mga frat members ay mayayabang at matataas ang tingin sa sarili?"

"I guess?" Sagot niya.

Umiling na lang ako. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa magpaalam na siya dahil oras na ng klase niya. Nakaka-proud naman ang mga frat members na ito. Responsible pa rin sa pag-aaral at hindi lang puro yabang. Naglakad lakad ulit ako. Mamayang 4:30 PM pa ang pasok ko pero 7:30 pa lang nandito na ako. So much for an early bird, huh?

Naisipan ko na lang magtambay sa library. Kumuha ako ng book at nagbasa pero hindi naman pumapasok sa utak ko ang bawat salita. Lumabas na lang ulit ako. Mali yatang pumasok ako ng maaga. Wala pa namang nakabukas na mall sa ganitong oras saka baka makakita lang ako ng sandamakmak na lovers. Baka maiyak na lang ako.

Saan ba ako pwedeng magpalipas ng oras? Hindi ko kabisado ang buong university. Bukas may practice kami. Tapos the next day, last practice na. Magiging maayos kaya ang performance namin? Wala sana akong makaligtaang line. Snow white. Malayong malayo ang story niya sa buhay ko.

Sinubukan kong maglakad papunta sa gym pero pagkatalikod ko, nakita ko ang nakatayong Damon na titig na titig sakin. Paano niya nalamang nandito ako? Oo nga pala. Frat leader siya at malamang nasabi na sa kanya ng members niya na nandito ako. Nakipagtitigan lang ako. Walang ka-effort effort ang mukha niya. Kahit seryoso ang mukha niya, galit, o nakabusangot ay gwapo pa rin siya. Paano kaya kapag biglang magpakita 'yung Casper? Ano kayang mararamdaman niya?

Nag-umpisa na akong humakbang palapit sa kanya. Unti unti kong nararamdaman ang bigat sa mga titig niya. Hindi kami parehong bumibitiw sa titig. Naglakad ako hanggang sa lagpasan ko na siya. Parang nag-slow motion ang lahat nung maramdaman ko ang hanging lumagpas sa amin. Para siyang estatwa na basta ko lang nilagpasan. Kasabay nun ay may tumarak sa puso ko. Dahil nakita ko sa mga mata niya ang namumuong luha. Kung hindi ko pa pala siya nakita sa malapitan ay hindi ko malalamang may luha sa mga mata niya. At hindi lang luha ang nakita ko, may kasamang sakit. Pero nilagpasan ko lang siya. Ginawa kong hangin ang presensiya niya hanggang sa makalayo na ako. I am so naive of not hugging him. I am that naive too for not realizing that I have tears that kept on shedding. My vision got blurred. I just found myself crying on an empty space. Where am I?

Gusto ko siyang balikan. Binalikan ko siya pero wala na siya doon. Ang bilis niyang nawala. Sumuko na ba siya? Kasalanan ko diba? Ako ang may gawa nito.

Tumakbo ako papuntang cr. Umiyak ulit ako. Shit! Sobrang sikip na naman ng dibdib ko. Ano bang ginawa ko? Sobrang tanga ko. Nandun na siya eh pero nilagpasan ko. Magiging okay na sana kami pero binalewala ko.

Habang umiiyak, kinuha ko ang phone ko. Binuhay ko ulit ito. Lumabas ang mga texts at missed calls ni Damon. May text din si Zanea.

Zanea:

Just text me when you need me. Kita na lang tayo sa class mamaya. :)

Gib's Bhie:

Bhie, where are you?

Let's talk, please.

Answer my call. Where are you?

I'm sorry. Please answer the damn call. I'm worried about you.

Bhie...

Oh, God! Tell me, did I make the man I love so worried about me? Did I just leave him? Lumabas ako ng banyo at tumakbo sa kawalan. Saan ko siya makikita?

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon