BOOK 2- Chapter 1

2.8K 43 1
                                    

CHAPTER 1

"No matter how many times you fight, make sure you'll forgive each other before you sleep. Talk to each other before the day ends and save your relationship from getting broken."
   -c.




I woke up with headache. Nasalo ko ang ulo ko nang maramdaman ko ulit ang sakit pagkatayo ko. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi sa pag-iisip kay Damon. Kinuha ko agad ang cellphone ko at hinanap kung may text na ba siya.

Wala!

Puro text iyon ng mga kaibigan ko at nangunguna ang text ni Zanea na binabati ako ng Happy Valentine's Day. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Balak ko nga palang batiin si Damon ng alas dose kanina pero nakalimutan ko sa sobrang pag-iisip. Nag-type agad ako ng mensahe para sa kanya.

Me:

Good morning, bhie! (: Happy Valentine's Day to you. Huwag mo na 'kong sunduin, kita na lang tayo sa school. I love you. Take care! :*

Napangiti ako nang ma-send na iyon. Hindi ko na lang pinansin ang hindi niya pag-text sakin kagabi. Naisip ko, baka nakatulog ng maaga o naging busy. Hindi naman ako katulad ng ibang girlfriend na magpa-panic na dahil hindi nakapag-text ang boyfriend. Okay naman kami kahapon, hindi tulad ng nagdaang linggo na nag-away kami dahil lang sa pinaghintay niya ako sa bahay.

Naligo na ako at nag-ayos. I am slowly moving on. Nagluto kami ng sopas nung ika-40th day ng pagkamatay ni ate. Pati ang birthday ko ay nai-celebrate rin ng maayos. That was my 18th birthday at naging masaya nang dahil sa mga kasama ko. That was when Damon gave me his promise ring na hanggang ngayon ay soot ko. I celebrated christmas and new year with Ate Hershey. And then last year, we also celebrated Ate Gail's first death anniversary. Everything is working good now. Unti-unti ko ng tinatanggap na wala na sina mama, papa, at ate sa tabi ko. Pero nandito pa rin sila sa puso ko. Hindi na ako ginugulo ng mga tita ko na nasa Pampanga dahil sa kasama ko na sina Ate Hershey.

Pagkalabas ko ng kwarto, nagpunta na ako sa kusina. I saw Ate Hershey and Kuya Kaiser sharing the table with coffee. Pareho silang masaya lalo na't may flowers and chocolates sa tabi ni ate. Napangiti ako nang makita nila ako.

"Patabi po ha." Sabi ko nang umupo ako sa tabi ni kuya, nasa tapat niya si Ate Hershey.

Humalakhak si ate. "Sandali lang, gagawa kita ng kape." Sabi niya saka tumayo na.

"Gibrielle, I bought something for you. Hindi na ako masyado nag-effort dahil alam ko namang may mag-eeffort para sayo ngayon." Kinindatan niya ako.

"Kuya talaga! Kaya love kita, e. Salamat sa dark chocolates."

Alam nilang mas gusto ko ang dark chocolates kaysa sa mga sobrang tamis. Kahit si Damon ay puro dark ang binibili basta chocolates ang pinag-uusapan. Nilapag na ni Ate Hershey ang mug sa harap ko. Kumuha ako ng tinapay at ngumuya. Pinagmasdan ko ang dalawang engaged na.

"By the way, aalis ako today, sis. I'll be in Cebu for about two or three days. Binilin na kita kay Kai at kay Zanea. Kung papayagan, Zan will stay here with you habang wala ako." Tinitigan ako ni ate.

"Ang tagal naman." Sabi ko.

"Sus. Hindi ka na nasanay rito sa ate mo. Pinapag-resign ko na siya sa trabaho e. Ayaw pa rin." Ani Kuya Kaiser.

"Love ko po kasi ang trabaho ko." Inirapan ni ate ang kanyang fiance.

"Love mo rin naman ako, diba?"

"Mas nauna si work." Ngisi ni ate.

Natawa na lang ako sa kanila. Nagpatuloy sila sa pagkukulitan at paglalambingan habang sabay sabay kaming nag-almusal. Gusto sana ako ihatid ni Kuya Kai kaso nasira ang sasakyan ni Ate Hershey kaya ihahatid niya ito. Hindi on the way ang St. Mary's University kaya magko-commute ako.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon