BOOK 3 - Chapter 44

227 7 0
                                    

CHAPTER 44


"New people. New ambiance. New challenges."



Natawagan na ako for the orientation and training. Sa orientation, it's all about the company's rules and regulations. May mga assessments about the lessons that we have tackled. At nakakatuwa dahil para lang akong bumalik sa pag-aaral.


Sa training naman, pinag-aralan na namin ang tungkol sa account namin. Doon ko nalaman na iba iba pala ang account pagdating sa BPO. Sa company namin, medyo marami rin ang accounts at may iba pang accounts sa ibang site ng company sa ibang lugar. And I really like the facilities dahil colorful at masaya ang ambiance. It's my first time pero napaka-ganda ng mga experiences ko so far.


During training, palagi akong pinupuri ng trainer namin. Nape-perfect ko ang mga assessments at naiintindihan ko ang process ng account namin. After ng training ay nesting daw, which is another training but applying what we have learned from the first training. Sa nesting nagtatrabaho na talaga kami. Ginagawa namin ang mga napag-aralan namin. And luckily, nakapasa ako kaya na-endorse na ako sa production floor. Production floor is where all the agents work. Masyado ang tuwa ko dahil nararanasan ko na ang trabaho ni Ate Gail at Hunter kahit pa iba ang posisyon nila. Sinabi rin naman sa akin ni Hunter na nanggaling din sila sa posisyon na gaya ko as agents bago siya ma-promote.


Another thing, napunta kami sa morning schedule kaya okay pa ako. Iyon nga lang ay Monday at Tuesday ang day off ko samantalang si Damon ay weekends off.


"That's okay, wife. Hatid sundo pa rin kita."


Magkasabay kami aalis ng umaga para ihatid niya ako sa trabaho. Mas nauuna naman ang pag-out ko kaya sumasakay ako ng shuttle at nagco-commute papunta sa office niya para sabay kami umuwi. Hinihintay ko rin siya kahit pa gabihin na siya sa ginagawa niya.


"Ate Gibrielle, pa-check naman ng grammar ko." Sabi ni Jilla, bagong waves sila at bago siya sa team namin.


"Sure." Sabi ko.


Non-voice kami at email support lang kaya nakakapag-ingay ang mga kasama ko. Masaya rin sa office dahil pinapayagan mag-ingay lalo na't nasa kabilang floor ang mga voice agents.


"Okay na. Use grammarly na lang din para sure ka." Sabi ko.


"Thank you, ate."


Jilla is just 19 years old. Working student din siya pero Supervisor lang namin at kami ang may alam. Napag-usapan din kasi na bidding ang schedules namin kaya sa susunod na quarter ay pipiliin namin ulit ang morning shift as long as maganda ang performance ng team namin.


"Nasaan si Sup Yex? Kailangan ko ng approval." Dinig kong sabi ni Avenir.


"Nasa meeting." Sagot ko. Nagpaalam kasi kanina ang Supervisor namin dahil katabi ko siya ng station.


"Ay okay. Pwede naman ako mag-ask sa ibang supervisor diba?"


"Oo."


We've all shared some of our stories but not all. Nakakapagkwentuhan kami at nagiging close na ako sa mga ka-team ko. We consider each other as friends already. Nag-aasaran na rin habang nagtatrabaho. Iilan lang kami nasa early 20s na at may pamilya, 'yung iba naming kateam, single o kaya 19 palang like Jilla, at may isa na single mom. May babaero rin.


Ilang sandali lang ay bumalik na ang Supervisor namin. Ilang oras na lang patapos na ang shift namin. Inannounce niya na mag meeting kami 15 mins before our end shift. Tuwang tuwa ang mga kasama ko.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon