BOOK 3- Chapter 11

644 16 9
                                    

CHAPTER 11



A/N: You know Wattpad Tap? I'm there also. Search niyo lang daddios, I have published Mate. Try ko lang 'yun since short updates lang doon. Hehe.




“Moving on doesn't mean you don't love him anymore. You can still love him while you're moving on. You can still love him even though you've moved on. You can still love him even when you already have someone.”
  -RH



Nakasakay na ako ng taxi nang mapansin kong hindi pa rin humihinto sa pagtunog ang cellphone ko. Tahimik naman si Avee pero hindi ko pa rin pinansin. Pinunasan ko ang pisngi ko dahil napapansin kong napapalingon sa salamin ang driver. Nahiya ako bigla.



“What the hell happened, Gibrielle?”


Biglang napaangat ang tingin ko sa rear view mirror at nakita ko ang mga mata ni Reige. Dire-diretso pa rin siya sa pagmamaneho pero ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit.


“Anong ginagawa mo dito?” Pagtataka ko pero tinikom ko agad ang bibig ko nang maalalang pinapasunod pala kami ni Hunter sa kanya. Hindi ko akalain na tototohanin niya at taxu driver pa ang disguise niya.


“What the freaking hell happened, Gibrielle? I saw Damon. Siya ba? Pinaiyak ka na naman ba niya?”


“I just want to go home. Drop mo na lang ako sa bus station at magko-commute ako.”


Hindi na siya nagsalita pa kaya tumahimik na lang din ako. I looked at Avee. She's still quiet at nakatingin din sa akin.


Hindi ko gustong marinig na pinaiyak na naman ako ni Damon. It doesn't sound right to me. Para bang wala ng karapatang sisihin si Damon na umiiyak ako ngayon. It was my own fault. I talked to him, and it's inevitable that he'll blame me. Sasabihin niya lahat ng sama ng loob niya sa akin sa nakalipas na tatlong taon. Hindi ko na lang talaga mapigilan na hindi masaktan.


Tumingin na lang ako sa labas at hinintay na makarating sa bus station. Kinakagat ko na lang ang labi ko para mapigilan ang tuluyang pagtulo muli ng mga luha ko. Ayoko ng ipakita kay Reige na umiiyak ako. Alam kong may galit na naman siya ngayon kaya hindi na magandang salubungin pa iyon.


“Shit...”


Napalingon ulit ako kay Reige nang bigla siyang napamura. Binulong lang niya pero sakto para marinig ko. Pagkalingon ko sa kanya, tumitingin siya sa rear view mirror pero hindi sa akin kundi sa likod ng sasakyan. Bumaling ako sa likod at nakita ang isang puting Ford Explorer na nakasunod sa likod namin.


Kumunot ang noo ko. Bumilis ang patakbo ni Reige kaya lalo na akong nagtaka. Sumunod pa ang busina ng sasakyan na nasa likod namin.


“Sino 'yon?” Pagtataka ko.


“It's Damon.”


“Ano?”


Muli akong lumingon sa likod at tiningnan ang Explorer na nakasunod sa amin. Maa binilisan nito ang pagpapatakbo at sinusubukan makisabay sa bandang kanan namin. Pero si Reige ay mas binibilisan ang pagpapatakbo. Natatakot man ako pero wala akong magagawa. Nagtatalo ang isip ko. Gusto kong bawalan si Reige na bilisan ang pagpapatakbo pero ibig sabihin nun ay mahahabol kami ni Damon at hihinto ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit siya sumusunod pero kinakabahan ako.


Sumusubok talaga ang sasakyan ni Damon na makapunta sa bandang kanan namin pero dinidikit banda doon ni Reige para hindi magkaroon ng space ang sasakyan ni Damon. Mabuti na lang walang ganun karaming sasakyan sa dinadaanan namin pero nakakatakot pa rin.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant