Chapter 19

3.4K 98 4
                                    

CHAPTER 19

Hindi ako makapaniwalang okay na kami ni Damon. Hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito ako kasaya. Para bang kahit ilang taon akong umiyak noon, napawi lahat nang dahil kay Damon. Dati, akala ko kiligin lang ako sa crush ko, okay na. Iyon kasi ang way ko para kalimutan kahit sandali ang mga problema ko sa mga tita ko. Kahit anong masasakit na salitang sabihin nila sakin, nandiyan pa rin naman sina mama, papa, at ate. Pero ngayong wala na ang mga magulang ko, at si ate ay napilitan mang-ibang bansa, nakakuha ako ng pagkalinga sa mga kaibigan ko.

Habang naglalakad pabalik sa university, nakakarinig ako ng mga singhap at rants sa mga estudyanteng nasa paligid. Sino'ng hindi? Nasa bewang ko ang kamay ng kanilang Damon. Sobrang sarap sa feeling na nasa tabi ko siya. Hindi ko inda kahit ano'ng sabihin na masasakit sakin ng iba. I've never been this happy.

"Artista ka ba?" Tanong ko habang naglalakad kami ni Damon pabalik ng caf.

"Pick up line ba yan?" Humalakhak siya.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Asa ka naman. Ang daming mata na hugis puso ang nakatingin sayo. Samantalang sakin, puro mga laser." Ngumuso ako.

Tumawa ulit siya. "Inggit lang sila kasi ikaw ang gusto ko,"

Kinilig ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nagpahalata. Binalewala ko ang mga nakakatakot na tingin ng mga zombies. May mga matatalim ang tingin sakin, may mga napasinghap sa nakikita, at may mga hindi pumapansin. Pagkapasok namin sa cafeteria, lahat ng tingin sa amin pa rin. Huminto ang kutsara sa bibig ni Zanea. Para bang nakakita siya ng artista. Nakangisi naman si Hunter na parang inaasahan ang pangyayari. Pati mga nagtitinda sa loob, napapatingin na rin samin. Ganun ba ka-big deal ang makasama ang isang frat leader? Jeez.

"O.M.G! Gib, I was like daydreaming while you're walking together. Feeling ko umattend ako ng kasal!" Kinikilig na namang utas ni Zanea.

"Tse!" Pagsusungit ko. Lalo kasi akong napapangiti sa mga hirit niya. Nag-iinit ang pisngi ko. Hindi pa ako ganun kasanay sa ganitong bagay.

I heard my phone rang. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino. Napalingon agad ako sa katabi ko nang mapagsino. Sinamaan ako ng tingin ni Damon nung makita niya kung sino ang tumatawag. Hinablot niya sa kamay ko ang cellphone at siya na ang sumagot. Nabigla ako sa ginawa niya.

"Hello. No, you are not allowed to do that. Ako na ang maghahatid sundo sa kanya. Stop pestering my girl, Reige. Back off!" Si Damon na mismo ang nagpatay ng tawag. Nakataas ang kilay niya nang ibalik sakin ang cellphone ko.

"Ang bastos mo naman. You didn't have to do that." Sabi ko. Bumalik na ako sa inuupuan ko kanina at tumabi naman siya kaagad. Hindi ko man lang napansin na nandito na rin pala ang ibang mga kasama nila sa frat. Napalingon ako dun sa lalaking may piercing sa labi na fresh pa rin ang pasa. Well, silang lahat, kitang kita pa rin ang mga pasa.

"He deserves that," Aniya. "Teka nga! Why are you protecting that devil? He has no good intensions to anyone."

I glared at him. Look who's talking about being devil? Tss. "He's been nice to me. Hindi naman ako kasali sa gulo ninyo."

"Do you really want us to fight over stupid things?" Asik niya. Tinitigan niya ako. 'Yung mga titig na hindi magpapatalo.

"LQ kayo agad?" Singit nang natatawang si Hunter.

Sabay namin siyang binalingan ni Damon. "Shut up!"

Kumain na lang ulit ako ng iniwan kong pagkain kanina. Hindi ko kinikibo ang katabi ko. Hindi naman kasi tama 'yung ginawa niya kay Reige. Hangga't walang ginagawang masama ang tao, hindi siya masama para sakin. Nakakainis lang si Damon. Cellphone ko ang gamit niya sa pambabastos kay Reige. Hindi man lang siya nahiya para sakin.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon