PROLOGUE

This is a work of fiction. Copyrights © by crystalalabsWP, 2014.

Cover by: chelleopatra

***

First day of school sa St. Mary's University. Sa Pampanga ako nag-aaral dati pero simula nung mangyari iyon at ayaw ko naman tumira sa tita ko, dito na ako nag-transfer. It's my dream school dito sa Manila. Pero hindi tulad ng sa dati kong school, may mga kaibigan na ako doon. Dito, mag-uumpisa ulit ako sa wala. Mag-isa na naman ako.

Hindi naman sa takot ako makipagkaibigan. First time ko dito sa Manila at hindi ko kabisado ang mga ugali nila. Saka hindi naman ako ganun ka extrovert para makipagkaibigan kahit kanino. Mas gusto ko ang kaunti lang ang kasama ko. Okay na rin ako kung may makikilala ako kahit isa lang.

Ano na kayang ginagawa ng mga kaibigan ko sa Pampanga? Pasukan na rin nila ngayon. Sa pagkakaalam ko, next school year pa ililipat ang pasukan sa august. Hindi ko lang alam dito.

Nahanap ko na ang building kung saan nandun ang first subject ko. English. Wala ni isang subject akong na-credit kaya kailangan kong kunin ulit ang mga pang-first year subjects. At irregular student pa ako. Pumasok na ako sa room namin. Mabuti na lang at hindi ako naligaw sa papasukan ko. Nagtanong naman kasi ako sa guard pero hindi ko matandaan ang ibang subjects ko kung saan. Ang bilis kasi magsalita ni manong guard. Pagkapasok ko sa room, wala pang masyadong estudyante. Dahil siguro first day o kaya ay maaga lang talaga ako pumasok. Wala pa kami sa lima na nandito. Naglakas-loob akong kulbitin yung nasa harap ko.

"Ate, dito po ba ito?" Pinakita ko yung registration card at tinuro yung room number. Malay ko ba kung mali ang napuntahan kong room. Maigi ng magtanong ako para hindi ako malate kung mali man ito.

Tumango siya. "Transferee ka rin? Ano'ng course mo?" Nakangiti niyang tanong.

"BS in Pharmacy po," Sagot ko na lang.

"Talaga?" Masayang bulalas niya. Tumayo siya at lumapit sa tabi ko. "Same tayo. Patingin ulit ng sched mo."

Binigay ko sa kanya ang copy ko. Nasa dulo na siya nakaupo samantalang walang tao sa tabi ko, malapit sa wall. 3 chairs kasi per row ang arrangement. Mukha naman siyang mabait saka babae naman siya. Dito naman nag-uumpisa ang pagkakaibigan kapag first day of school, diba?

"Hindi tayo pareho ng trigo. Di bale, papalipat ko 'to para pareho na tayo ng sched." Puna niya nang mapansin na may hindi kami parehong subject.

Naging madaldal siya kaya gumaan ang loob ko. Pareho kaming transferee pero hindi ko na tinanong kung saang school siya galing. There's no sense in asking if I wouldn't recognize her school. Nainggit pa ako sa name niya nung magpakilala siya. Zanea. Ang ganda ng name niya. Kasing ganda niya. Pareho kaming maputi pero mas lumamang yata ako sa kanya. Kulay brown ang kanyang buhok. Hindi naman ako masyadong nailang sa kanya habang nagdadaldalan kami.

"Ang ganda rin kaya ng pangalan mo, Gibrielle. Parang anghel." Nakangisi niyang sabi ng banggitin kong maganda ang pangalan niya.

Ngumuso ako. "Bolera ka."

Nagtawanan kami. Nag-umpisa ng dumami ang mga pumapasok sa room. Block section sila, samantalang kami lang yata ni Zanea ang irregular students. Hindi ako sigurado pero halos magkakakilala at nag-uusap kasi sila.

Nakatingin lang kami sa kanila habang komportable silang umuupo sa kani-kanilang mga pwesto. May mga nagkamustahan kung anong ginawa nila nung summer vacation. Ako? Hindi memorable ang summer ko. Hindi memorable ang past years ko.

Napuno na ang classroom namin. Prof na lang ang hinihintay namin. Nabigla ako nung may biglang sumipa sa inuupuan ko. Nakaagaw iyon ng atensyon sa mga estudyanteng nagkukwentuhan. Nilingon ko yung katabi ko. Para siyang anghel sa langit kung hindi lang salubong ang mga kilay niya, busangot ang mukha niya na kahit si Picasso ay mahihirapan siyang ipinta, at may sugat yata sa gilid ng kanyang labi. And well, bastos siya.

"Ano ba? Ba't ka naninipa ng upuan? Inaano ka ba?" Singhal ko. Hindi ako nakapagpigil ng sigawan siya. Hindi ako ganito pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Nakakainis kasi siya. Unang araw ko palang, hindi ako masaya nung una pero naging komportable na ako nang makilala ko si Zanea. Tapos ngayon sisirain ulit niya ang tuwa ko.

Hinawakan ako ni Zanea sa kamay. Imbes na sagutin niya ako, ni hindi man lang niya ako tinignan. Sinandal na niya ang ulo niya sa katabi niyang wall at pumikit. Aba't. Nice talking without looking ang gwapong lalaking ito!

"Miss, lipat na lang kayo dito. Pwesto niya 'yan. Ayaw niyang may katabi." Dinig kong sabi ng babae sa 'di kalayuan sa amin.

Magsasalita pa sana ako pero hinila na ako ni Zanea. Umupo siya sa gitna, 'yung babae sa tabi ng wall kaya ako ang nasa kabilang dulo. Makikita ko pa rin ang bastos na lalaki dahil magkalinya pa rin kami. Bale maliit na aisle ang pagitan namin at dalawang upuan na nasa gilid niya na kaninang inuupuan namin ni Zanea.

Gosh! First day ko diba? Bakit parang gusto ko na lang bumalik sa Pampanga? Kung hindi lang... Hayy!

"Pagpasensyahan niyo na si Damon Angel. Siya leader ng Alpha Gamma Phi dito sa university. Sila ang pinaka-sikat na fraternity dito. At ayaw talaga niya ng may katabi sa upuan. Mababait 'yang mga 'yan pero kapag wala sa mood, expect the unexpected." Sabi nung babae.

"Frat leader siya?" Gulat na tanong ni Zanea.

"Hindi halata. Sinisira niya ang maganda kong pagtingin sa mga frat." Bulong ko na sakto para marinig pa rin niya. Totoo iyon. Marami na akong nababasang stories tungkol sa mga gangsters at fraternities at kahit na halos karamihan ay natatakot at ayaw sa mga ganyan, ako ay hindi. Siguro ay dahil sa love story ang binabasa ko tungkol sa mga frat.

Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko. Dumilat siya at saglit akong tiningnan tapos ay pumikit na ulit. Wala akong pakialam kung bago lang ako dito. Hindi ko naman hahayaang bastusin ako. Walang nakalagay na pangalan sa upuan saka libre ang mga 'yan. Wala dapat may mag-ari. That's a school property!

"Gib, kilabutan ka naman sa tingin niya. Hindi lang 'yan basta frat member. Frat leader!" Diniinan ni Zanea ang pagbigkas sa huling sinabi niya.

Tinitigan ko lang ng masama yung lalaki sa gilid ko. Okay! I admit. Sobrang tapang ko na siguro para ganito kung umakto. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakainis siya. Para akong napahiya nang sipain niya ang inuupuan ko. Hindi, napahiya talaga ako. Saka wala naman talagang pangalan ang school chairs para angkinin ng kung sino sino. Hindi porke frat members sila at siya ang leader ay magagawa na niyang angkinin ang school property.

Nakapikit pa rin siya habang nakasandal ang ulo sa pader. Oo na. Hindi siya natatamaan ng mga tingin ko. Frat leader siya at ordinaryong estudyante lang ako. But so what? That doesn't change anything. Hindi naman niya maririnig kung ano ang nasa utak ko. Hindi niya alam na taimtim ko ng hinihiling na sana hindi na siya magising.

Hindi ka na sana magising!

That Frat Leader (TFL SERIES #1) ONHOLDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!