BOOK 3 - Chapter 48

213 5 0
                                    

CHAPTER 48



"Happiness, for most women, is having a baby."



Ngayon ang baby shower sa bahay. Mamayang 5pm ang start pero umaga pa lang ay nag-prepare na sina Damon at Manang Inay.  As for Damon, tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya. Ka-lalakeng tao pero mahilig din sa mga ganitong set up at preparations.


Gustong-gusto tumulong ng family and friends namin pero okay na yung sila iyong nag-plano at halos bumili ng mga gamit. Si Damon na lang ang siyang talagang nag-ayos ng mga gamit. At syempre, 'yung box kung saan mari-reveal ang gender ng baby namin ay hindi pwedeng mga kaibigan namin ang mag-prepare. Damon already put the correct color inside the box.


Nang malaman namin ang gender ng baby namin, mas naging excited kami. And I have immediately came up with a name. Pati si Damon ay may naiisip na palang pangalan kaya pinagsama nalang namin. Sa nabuo naming pangalan, may nickname na rin kami para sa kanya.


For the foods, wala ng niluto si Manang Inay. Naka-toka na kasi sila Tita Joy at Mommy Debby sa foods. Sa bahay nila niluto at dadalhin na lang dito sa bahay namin. Samin ang drinks kaya ako na lang ang nag-prepare habang busy sina Damon sa pag-aayos sa sala.


Nang papalapit na ang start time, unti-unti nang nagdatingan ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero pinaka-unang dumating sina Tita Joy para nga sa food. Naka-set up na ang lahat.


Sunod na dumating sina Ate Hershey, Kuya Kai kasama ang baby nila, Naio and Giselle. They're all wearing pink. And by the way, my cousin Kobe from London made it here. Dumating siya last week para magbakasyon and some kind of business here. Nakakalungkot nga kasi siya lang. He just decided to do facetime with grandma sa reveal later. But Kobe's wearing blue. Hindi dahil sa lalake talaga ang hula niya sa gender ng baby namin, kundi ayaw niya lang magsoot ng kulay pink.


Dumating na rin sina Kuya Dion wearing blue, and his family's wearing pink. Sabay sabay naman na dumating sina Kuya Dimitri and family, all wearing blue. Sina Kuya Ashlee with family ay stripes of blue and pink. Kagaya ng kay Mommy Debby. Meaning, kambal ang gusto nila.


Pagkatapos ay sunod sunod na dumating sina Van, Zanea at kanilang baby Andrei. Van's wearing black but with a pink design. He explained his guess is a baby girl but don't have any pink shirts since it was not his type of color and not part of his wardrobe. Zanea's wearing blue.


Hunter wears pink with a blue rose design. Aniya'y hindi kambal ang kanyang hula kundi playsafe. Kung hindi tama ang babae, at least tama pa rin siya sa lalake dahil may color blue ang kanyang damit. Natawa ako sa kanya.


Traz and Love are wearing blue. Therese and Brix are wearing blue also. Michael is wearing blue while Jeronica is wearing pink. Hindi sabay na dumating sina Yule at Zach dahil kasama nina Michael sa sasakyan etong si Zach. I smell something with these two. Iba ang ambiance nilang dalawa at halos hindi magtama ang kanilang mga tingin. Yule's still that ice prince tho. Anyway, Yule is wearing pink while Zach is wearing blue.


Hindi makakarating ang mga kasama ko sa trabaho dahil may pasok sila. Hindi ko naman pwedeng ilipat ang party na 'to sa araw ng day off namin dahil karamihan sa mga kaibigan ko ay Sunday pwede.


Dumating din si Claire at Avee na parehong naka-pink. Madaldal na si Avee. Bongga ang 2nd birthday niya last year. Even if it was my birthday too, binisita ko siya kinagabihan. Konting salo salo lang kasi ang ginawa namin nung birthday ko at inannounce ko lang na buntis ako.


Kumain muna lahat bago mag-start ang party. Syempre 'yung iba, kanya kanya na ng kuha ng mga pictures. I was also busy taking pictures of them when I received a text message from an unknown number. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe. I suddenly felt sad because of how I miss this man!



That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon