BOOK 3 - Chapter 39

362 13 3
                                    

CHAPTER 39

"Look at the brighter side. You will glow. Your life will light up."



I was staring at the man who never failed to love me. He stood by my side nung mga panahong akala ko mag-isa na lang ako. I have never thought that there is or there will be people who will be willing to stay with me. But I guess, not all them will literally stay by my side. They have their own life that I think I have taken from them. Importante na sakin na magkakaibigan kami at hinding hindi magbabago iyon gaano man kami kalayo sa isa't isa.


"I don't want to say much baka pigilan pa kita." Sabi ko nang harapin na ako ni Hunter.


"Bakit? Magpapapigil naman ako." Ngumisi siya.


Bigla ko siyang nahampas sa braso. Sumeryoso ako ng mukha. "Mamimiss kita."


"Ba't kasi si Damon pinili mo?" Humalakhak siya. Kitang kita ko naman sa mga mata niya na paraan niya 'to para maging magaan ang paligid namin.


"Baka gusto mong ihatid pa kita sa loob?" Sumingit naman si Damon sa amin.


He just smirked. Bumaling na siya kay Avee na buhat ni Damon. "I know you'll take good care of them." Nakatingin siya kay Avee pero alam naman ng lahat na para kay Damon iyon.


"Bro!" Sumingit na rin si Traz na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin si Damon. Mejo iwas din siya sa akin. Sobrang tipid niya ako kausapin.


"Kayo nang bahala dito."


Nakipag-manly hug si Hunter isa isa sa mga kaibigan niya. I was holding back my tears. Mabuti na lang nakakayanan kong pigilan talaga. Ako, sina Damon, Traz, Yule, Michael, Van, at Brix ang nandito para ihatid si Hunter. Ngayon na ang flight niya. Hindi ko alam kung kailan niya sinabi sa iba ang plano niyang ito. Basta ang alam ko sa akin niya unang sinabi.


"Be good to your girls!" Iyon ang huling sinabi ni Hunter bago siya pumasok na sa loob.


Nagkatinginan kaming mga naiwan. Huminga ako ng malalim. Everyone will have to accept change. And not all people will stay.


Napagkasunduan ng lahat na mag-lunch sa malapit na restaurant... maliban kay Traz na bigla na lang umalis nang magkayayaan na. No one dared to follow him. Gusto ko siyang sundan at kausapin pero magkahawak kami ni Damon at sobrang higpit ng hawak niya sa akin.


"Tantrums pa rin." Komento na lang ni Michael.


"Babalik din 'yan." Ani Yule.


"Let's go!"


Umalis na kami at sabay sabay nagpunta sa restaurant. Nang makahanap kami ng pwesto, tumunog ang cellphone ko. I received a text message from an unkown number. Mejo familiar ang numero pero hindi ko na lang pinansin. Binasa ko ang kanyang mensahe.


Unknown Number:

I'll wait.


Nagsalubong agad ang kilay ko. Sino 'to? Maghihintay siya? Para saan? Nagtype ako ng irereply ko.


Me:

May I know your name. please?


Tinago ko na sa bag ko ang cellphone. Si Damon na ang nag-order para sa akin. Avee was sleeping already. Feel na feel na ni Damon ang pagiging ama kay Avee. It may look like a complicated family dahil hindi talaga nanggaling sa akin ang bata pero alam kong palalakihin namin siya sa pagmamahal at buo ang pamilya.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon