BOOK 3 - Chapter 40

227 8 6
                                    

A/N: Hiii! I'm back! I'm not really sure kung may nagbabasa pa rin ba nito pero kung meron man, thank you so much sa paghihintay! I've re-read the whole story just so I could get back on track. Sorry for the grammar lapses, I have no time to correct the whole book.

Again, thank you kung may nagbabasa pa rin nito. Kahit isa ka nalang, ipagpapatuloy ko pa rin 'to para sayo.

————————————————————


CHAPTER 40

"Beginnings are something new, something to look forward to."


You will know when people's concerns are sincere. Not just because they get mad at you or what. You will just feel it within your heart.


It's been weeks matapos ang naudlot naming kasal ni Damon. It's been weeks na nagsasama kami bilang mag-asawa at bilang pamilya.


Dahil siya lang ang may trabaho samin, araw araw akong naiiwan sa bahay para alagaan si Avee. I was literally a housewife. Hindi ako nagrereklamo pero mas gusto ko na nakakatulong ako sa kanya. Araw araw kasi na pagkauwi niya galing trabaho ay pagod na pagod siya. At lately, palagi siyang late umuuwi kaya napupuyat din ako sa kanya sa paghihintay.


It's 10:49 pm already. Wala pa rin siya sa bahay. Nasabihan naman niya ako na mali-late siya ng uwi ulit ngayon dahil sa client meeting niya. Sinabihan din niya akong magpahinga na at huwag na siyang hintayin pero hindi ko magagawa iyon.


We've talked about the house warming party tomorrow. Darating ng maaga sina Tita Joy at Mommy dito para tulungan ako. We've invited all our friends for that day. Day off din ni Damon bukas. Weekends ang off niya.


Huling tingin ko sa orasan ay alas onse ng gabi. Bumibigat na ang mga mata ko pero wala pa rin si Damon. Ayoko naman tawagan siya o itext dahil baka nasa meeting pa siya at makaistorbo ako. Hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mga mata ko.


Nagising na lang ako nung maramdaman ko ang maiinit na kamay ni Damon sa pisngi ko. Pagmulat ko ay nakatitig lang siya sa akin. Nakatulog na ako sa couch kakahintay sa kanya. Ilang gabi na kaming ganito kaya alam kong nag-aalala na rin siya sa akin.


"You're home." Sabi ko. Bumangon ako at hinawakan agad ni Damon ang mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod. "Kumain ka na ba? Ipagluluto kita."


"I'm sorry." Aniya.


Kumunot ang noo ko. "Para saan?"


"Palagi kang napupuyat dahil sakin."


Binawi ko ang mga kamay ko at hinawakan siya sa pisngi. "Responsibilidad kong hintayin ka at pagsilbihan ka bilang asawa mo."


"Responsibilidad ko rin na ingatan ka, kayo ng anak natin."


Napangiti ako. "Hindi ka naman nagkukulang, Damon."


Malungkot ang kanyang ngiti nang halikan niya ako sa noo. "Thank you for being my wife."


Sa simpleng mga salitang iyon, parang nawala ang kung anong pagod at puyat ko. I will also be thankful that you're my husband, Damon. Always.


"Hindi ka ba gutom?" Tanong ko.


Umiling siya. "Magpahinga na tayo, bhie."


Tumango na lang ako. Sabay na kaming pumasok sa kwarto at hinintay ko siyang makapagpalit ng damit. Niyakap niya agad ako pagkahiga niya sa kama.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon