BOOK 3 - Chapter 49

204 5 0
                                    

CHAPTER 49



"Marriage isn't always cupcakes and rainbows."



It was the most painful question that I've asked. Nalaglag ang panga ni Damon nang marinig ang tanong ko. Marahil ay hindi niya inaasahan na masasabi ko iyon.



"Damon, are you cheating on me? With Marie?"


"No!" Frustrated niyang sagot. Ginulo niya ang kanyang buhok.


"Then, why the hell, is she here with you? Bakit kayo magkayakap?"


"Bhie, calm down, please. Sa bahay tayo mag-usap."


"No!" Sigaw ko. "Ano? Para makapag-isip ka ng alibi mo habang nasa biyahe tayo? Tell me now!"


"God, no! Gibrielle, cheating never crossed my mind. I'm just worried about you. I'm worried about our baby."


Napahawak ako sa tiyan ko. Sumabay ang pagsakit nito nang marinig ko iyon. Hindi na ako sigurado kung malikot lang ba si baby sa loob ng tiyan ko o gusto na niyang lumabas.


"Uuwi ako mag-isa." Sabi ko. Almost a whisper.


"What? No, no. Gibrielle, no. Let's go." Nagmamakaawa na ang kanyang boses.


Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. And with his touch, bigla akong nanlambot. Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa maisakay niya ako sa sasakyan. I didn't look back. Ayoko nang makita pa si Marie. Naiinis ako sa babaeng iyon! Naiinis ako sa asawa ko.



Tahimik lang ako buong biyahe. Alam ko rin na magkasalubong ang kilay ko at nakabusangot ako. I'm still furious. Palagi ang sulyap ni Damon sa direksyon ko pero hindi ko siya pinapansin. Para lang siyang hangin sa tabi ko.


Nang makarating kami ng bahay, nagulat ako nang gising pa rin si Manang Inay. Nag-aalala siyang lumapit sa akin. Bakas pa rin siguro sa itsura ko ang pag-iyak pero alam kong galit pa rin ang mukha ko.


"Nagpumilit siyang pupuntahan ka dahil namiss ka raw niya." Sabi ni Manang kay Damon dahil nilagpasan ko lang siya.


Biglang tinurok ang puso ko sa ginawa ko. She doesn't deserve my cold treatment pero hindi ko maiwasan.


"It's okay po. Magpahinga na kayo." Iyon na ang huli kong narinig bago ko pa sila maiwan.


Pumasok na ako ng kwarto. Kinuha ko ang unan na gamit ni Damon. Pagkapasok niya, hinagis ko iyon agad sa kanya. Pero syempre nasalo niya agad iyon. Sinara niya ang pintuan ang worried pa rin ang itsura.



"Huwag kang matutulog dito. Ayoko kitang katabi!"


"Alright... I understand, bhie. But please let me explain."


"Walang dapat i-explain. It was so damn clear! You're cheating on me!"


"No! I would never do that to you! Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw ang pinakasalan ko. Ikaw ang magiging ina ng anak ko."


Gusto kong malusaw sa sinabi niya. Gusto ko na lang siyang yakapin at halikan. Gusto kong marinig ang paliwanag niya at paniwalaan iyon. Pero mas matimbang ang galit ko ngayon. I hate this!


"Kung ayaw mong lumabas, ako na lang ang matutulog sa guest room!" Akma ko ng kukunin ang unan ko pero mabilis na nakalapit si Damon sa akin.


Nagulat ako. He was now hugging me... still in a careful way dahil ayaw niyang maipit ang tiyan ko. Bumuhos na naman ang mga luha ko. Binugbog ko siya sa braso pero hinahayaan lang niya ako.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon