BOOK 2- Chapter 34

998 20 0
                                    

CHAPTER 34

"When you're in love, you will do, feel, and experience impossible and unpremeditated things for the one you love. And everytime you are with your love, your aura suddenly shines so bright."
   -Gibrielle Pineda




Nakaka-dalawang linggo na rin kami dito sa London. Hindi na mabilang ang memories at pictures namin ni Damon sa tuwing may pupuntahan kami. At sa dalawang linggo na 'yon ay ang dami na naming nabisitang mga lugar na sikat dito sa United Kingdom.

Napag-uusapan na rin namin ni Damon ang nalalapit naming 23rd monthsary. Sa May 24 na iyon at ilang araw na lang. Sa May 27 ay babalik na kami sa Pilipinas. Sa tuwing pag-uusapan namin ni Damon ang nalalapit na araw na iyon, paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na walang sorpresa. Ayoko ng surprises, parati ko iyong sinasabi sa kanya. At sana ay tumupad siya sa napagkasunduan naming walang surprises.

Naisipan kasi naming i-celebrate nang normal lang. Kakain kami sa isang restaurant, sasakay kami sa London Eye, at magpapalipas kami ng gabi sa Amsterdam. Yes, magta-travel talaga kami papunta doon. Ang sabi ko sa kanya, bago kami bumalik dito ay libutin na namin ang Amsterdam at puntahan namin ang mga lugar na nasa The Fault In Our Stars.

"Damon..." sinusuklay ko ang kanyang buhok gamit ang kamay ko. Nakahiga siya sa lap ko habang kumakain ng cheerios.

"Hmm?"

"Namimiss mo na ba sa Pilipinas? I mean... hindi mo pa ba namimiss ang pamilya mo?" Tiningnan ko ang reaksyon niya.

"Oo..." Aniya na hindi nakatingin sakin. "Pero nasa tabi naman kita kaya okay lang."

"Anong balak mo pagkabalik natin doon?"

"Wala pa naman."

"Anong wala? Wala kang balak puntahan sina Mommy Debby?"

Tumingin na siya sakin at binaba ang pakete ng cheerios. "Doon ako uuwi. Bakit mo natanong?"

"Wala lang," Tinigil ko na ang pagsuklay sa kanyang buhok. I rested my hand on his chest. Kaagad naman niya iyong kinuha para halikan at paglaruan.

"The spaces between your fingers perfectly fit mine." Bulong niya nang ipag-intertwined ang mga kamay namin.

Tumawa ako. "Napaka-corny mo talaga! Hindi na ikaw 'yung hambog na frat leader na nakilala ko!"

"Hambog at corny man, mahal na mahal mo naman!" Humalakhak siya.

"Kapal!" Kinurot ko ang abs niya gamit ang free hand ko.

Sa tuwing kasama mo ang taong mahal mo, inevitable na ang maging masaya ka, komportable ka, at pakiramdam mo kayong dalawa lang ang magkasama. Ganun siguro talaga kapag in love. You will do, feel, and experience impossible and unpremeditated things for the one you love. And everytime you are with your love, your aura suddenly shines so bright. And I'm pertaining to love in broad meaning... all kinds of love.

"Gibrielle,"

Napalingon kami ni Damon sa tumawag sa akin. Walang emosyon ang mukha ni Ate Hershey habang nakatingin sa akin.

"Ate?"

Umayos ng upo si Damon pero hawak pa rin ang kamay ko.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Mahina ang kanyang boses. "Sa kwarto sana? Okay lang ba, Damon?"

Nagkatinginan kami ni Damon. "Yeah, sure."

He let go of my hand so I stood up and followed my cousin. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan namin dahil wala akong makitang bakas sa kanyang mga mukha. Napaka-seryoso niya at parang napaka-bigat ng dinadala.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now