BOOK 3- Chapter 12

636 15 8
                                    

CHAPTER 12


A/N: Find me on tap: daddios :)



“Even when things get worst, choose to love.”
  -c.



“Damn! Kahit anong gawin ko, naniniwala pa rin ako sayo. Tangina, Gibrielle. Anong ginawa mo sakin? Dapat galit ako sayo. Dapat ikaw itong humahabol sa akin pero bumabalik ako sa dati. Fvck!” May nakawalang luha sa kanyang mata na ikinalaglag ng panga ko.


Did he just cry in front of me? At anong sinabi niya? Naguguluhan ako. May iba na siyang girlfriend. Mali itong ginagawa niya kung tama man ang naiisip kong ibig niyang sabihin. This won't work. May masasaktan siya.


“Kahit anong gawin kong pag-atras, bumabalik pa rin ako sayo. I don't know what you've done to me. I thought I have already moved on. Pero bumalik ka at ginugulo ang isip at puso ko.” Dagdag pa niya.


Pinahid ko ang mga luhang nasa mata ko para makita ko ng klaro si Damon. Siguro kung walang Marie sa buhay niya ngayon, ganun na lang kadaling bumalik sa dati. Pero marami nang nagbago. At nakakatakot man isipin pero baka ang mga pagbabagong nangyari sa amin ang sumira sa relasyon na meron kami ngayon.


Sa mga librong nababasa ko, kapag bumalik ang first love, nasisira ang present love. At kahit anong gawin ng first love, later on maiisip at mararamdaman din niya na ang present love ang mas mahal niya at sila ang magkakatuluyan. Sa sitwasyon ko ngayon, ako ang first love at si Marie ang present love. Pero hindi katulad ng mga kwentong nababasa ko, hindi ako magiging kontrabida sa buhay nila. Hindi ako manggugulo.


Wala na akong pakialam kung pagsisihan ko man itong desisyon na gagawin ko. Kung siguro walang Marie, ako talaga ang maghahabol kay Damon at pwede kaming magkabalikan kahit kailan. Pero hindi na pwede. Gaya ng sabi ni Syge, nag-away sila nung minsang gabi kaya ayokong mag-away sila ulit na ako ang dahilan. She won Damon's heart. She won't leave Damon.


“Damon... umalis ka na...” Pumiyok ako sa huling salita na sinabi ko.


Nalaglag ang panga niya sa narinig sa akin. Alam kong nabigla rin ang mga kasama ko. Pero sa ngayon, ito ang tamang gawin.


“W-What?” Tila hindi niya makapaniwalang tanong.


“Huwag kang bumalik sa dati, Damon. Wala na 'yung dati...” Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko. “May iba ka na... At alam ko... hindi ka sasaktan ni Marie...” Tinalikuran ko na silang lahat at bumalik na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Nilock ko ang pintuan para hindi nila ako maistorbo.


Dumapa ako sa kama at umiyak nang umiyak. Eto na naman ako sa walang katapusang pag-iyak. Nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng dibdib ko. Nahihirapan ako huminga. Habol na habol ko ang paghinga ko.


“Gibrielle...” Dinig kong tawag ni Hunter.


“Gibrielle...” Tawag din ni Syge na hindi pa pala umaalis.


“Please...” Humahagulhol kong sabi. “Iwan niyo ako...”


“Gibrielle, I'm just worried.” Ani Hunter. Alam niyang posible akong mapahamak sa sobra sobrang pag-iyak.


Ilang beses akong umiiyak noon nang sobra sobra at araw araw na dumarating sa puntong hindi na talaga ako nakakahinga. Simula nung nangyaring aksidente noon sa akin, sinabihan na akong hindi na gaya ng dati ang puso ko. They all know that even Damon. Iyon 'yung panahon na muntik na niya akong iwan.


“Gibrielle, nagmamakaawa ako, buksan mo 'tong pinto.” Mahinahong sabi ni Hunter.


“Leave me alone, please...”


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon