BOOK 2- Chapter 5

1.8K 50 2
                                    

CHAPTER 5

"Have faith in God. Have faith in yourself. You're his strength, he's your energy. Maybe, just maybe, a kiss will wake him up."
  -c.




I kept my pen on my bag. Confident akong tumayo at lumapit sa proctor namin para ipasa ang test paper ko. This is our last exam today. Nasagutan ko ng maayos ang mga questions sa tatlong subjects today. I'll have another three tomorrow.

Nilingon ko si Zanea. Sinenyasan niya akong mauna nang lumabas. I grabbed my bag and made my way out of the room. I saw Traz na sakto ring palabas ng exam room nila. Magkatapat lang kasi kami ng room. I smiled at him but he gave me a frown.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo ako ni-replayan kagabi?" Pagsusuplado niya.

"Oh!" Napatango ako. "Kinuha kasi ni Damon ang phone ko. Sorry."

"Sus! Nagselos na naman siya!"

Natawa ako. "What's new?" Sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. "How's your exam?"

"Good. I think nasagot ko naman."

"Yun-"

"Ay, hindi. Nasagot ko pala lahat. Hindi ko lang alam kung tama." Humalakhak siya. Minsan talaga suplado siya, minsan naman nagpapaka-funny. Hindi ko alam pero nakakita ako ng maskara sa kanilang mga frat members!

Napairap na lang ako. Habang naglalakad kami, I decided to ask the details of what happened yesterday. May kapatid nga daw si Charles sa highschool department named Giselle and boyfriend niya 'yung lalaki kahapon. He really wants Giselle to do what's not the right thing to do. Pero hindi pa rin klaro sakin ang naging punishment nila. Tama na 'yung ginagawa nila iyon dati. Ayoko ng sirain pa nila ulit ang mga pangalan nila.

"Can you bring me to Charles?" Pakiusap ko kay Traz.

"Ha?"

"Please."

"Magagalit si Damon, Gibrielle. Huwag na." Tinitigan niya ako.

"Traz, please. Ako bahala kay Damon."

"Gibrielle, huwag mo na lang pakialaman si Charles. You don't know him." Matama niyang sabi.

"Sino bang nagsabing kilala ko siya? I just want to talk to him." Nakipagtitigan ako sa suplado niyang mukha. "Please..."

Bumuntong-hininga siya. "O sige na."

Lumayo siya saglit sakin para tawagan si Charles. Sinabihan niya itong magkita kami sa gym para mag-usap. I know I don't belong in their frat but Dame's my boyfriend. Ayokong nasasali sila sa gulo. Hindi naman lahat ng fraternity ay masasama, diba?

Nagpunta na kami sa gym at doon hinintay si Charles. Nagtext na sakin si Damon pero ni-silent ko muna ang phone ko. Nang makita na namin papasok si Charles, nagpaalam si Traz na dun lang siya sa entrance maghihintay. Tinanguan ko siya at hinintay na makalapit si Charles sakin.

"Hi," Bati ko.

"Hi. You're Dame's girl, right?"

Tumango ako. I don't like to be called as anybody's girl, it sounds like I was owned by someone. But since I love Damon and it's okay to be owned by him, hindi ko na pinansin pa iyon.

"Charles, ano ng nangyari dun sa lalake?" Dahan dahan kong tanong. "'Yung kahapon..."

"Wala na siya."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon