BOOK 2- Epilogue

1.9K 32 35
                                    

EPILOGUE

Here it is! I hope you'll enjoy reading until the end.

Book 2 of That Frat Leader is My Prince: That Frat Leader is My Ex will end in here. I would never get tired thanking all of you. You are the reason why this book got here, why I got here continue writing. I hope the story inspired you. This may end another book, but there's a book 3. I can't assure you when it will be posted because I still have to prioritize a side story entitled That Forbidden Love (Zanea's story).

So... hanggang dito na lang muna.


***



"Ate, I'm sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Hindi matapos tapos ang paghagulhol ko sa harap ng pamilya ko. "Pinagbantaan niya kami. Ate, I don't know what to do. Ayokong iwan si Damon, mahal na mahal ko siya. Pero ayokong madamay kayo o kahit na sinong mahal ko."

After Charles threatened us, siya pa mismo ang naghatid sa amin ni Hunter sa bahay ko. Siya ang nag-drive sa mazda ni Hunter at iniwan rin kami agad pagkarating dito. Gulat na gulat sina ate Hershey pagkakita sa amin kaya hindi ko na tinago pa. Sabog na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sinabi ko na sa kanila ang lahat.

Ginamot ni tita Joy si Hunter at ngayo'y nagpapahinga na sa kwarto. They wanted to call his mom pero ayaw niya. Nasa australia daw ang mama niya nung nakaraang linggo pa at ayaw niyang mag-alala ito.

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit nagustuhan ako ni Hunter. Nang dahil sa akin kaya siya nadamay dito at nasasaktan. Is it because siya palagi ang pinagkakatiwalaan ni Damon na mag-alaga sa akin habang wala siya? Napalapit ba siya sa akin dahil doon? Gulong-gulo na ako!

"Ate..." Hagulhol ko. "Tulungan mo 'ko, please. Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam gagawin ko."

"Kailangan natin magsumbong sa mga pulis. Baka tumakas 'yun sa kulungan at pinaghahanap na." Suhestyon ni Naio.

Umiling ako. "Huwag. Hindi pwede. Hindi n'yo kilala si Charles. Ayokong idamay niya kayo."

"Sshh. Kalma ka muna, hija. Gagawa tayo ng paraan." Niyakap ako ni tita Joy.

Mas lalo akong umiyak sa balikat niya. Hindi ko alam kung mababaliw na ba ako o ano. Mabuti na lang nandiyan sila sa tabi ko.

Napalingon ako kay ate Hershey na may tinatawagan sa phone. Naalarma kaagad ako. Tinatawagan niya ba ang mga pulis?

"Ate-" Naputol agad ang sasabihin ko nang sumagot na ang tinawagan niya.

"Hello, Kai. Do you remember the house you're telling me?" Nakahinga ako ng maluwag nang malamang si kuya Kai pala ang tinawagan niya. "Yes, the one you're planning to buy. I want that house now."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi ni ate Hershey. Ang tinutukoy niya ay 'yung bahay na pinakita sa amin ni kuya Kai na gusto niyang bilhin para sa bubuuin nilang pamilya kapag kinasal na sila. At ngayong narinig ko ang mga sinabi ni ate Hershey, alam ko nang nakapag-desisyon na siya.

"Hershey, anak, sigurado ka ba? Masasaktan si Gibrielle." Sabi ni tita Joy na nakuha na rin ang mga sinabi ni ate.

Napalingon sa kanya si ate. "What did I tell you, ma? Ayoko nang mapalapit si Gibrielle kay Damon. Ayoko nang mapahamak ang pinsan ko. At ngayong nangyayari ito, I will definitely take this chance para ilayo na talaga siya kay Damon."

Lalo akong naiyak sa sinabi ni ate Hershey. Akala ko masakit nang hilingin ni Charles na layuan ko si Damon, pero mas masakit pa rin pala na hanggang ngayon firm ang desisyon ni ate Hershey na paglayuin kami ni Damon. At magte-take advantage pa siya sa nangyayari ngayon.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon