BOOK 3- Chapter 28

450 8 3
                                    

CHAPTER 28



"Trust the one you love. Love the one you trust."



"Congratulations!"


Nakatanggap kami ng maraming congrats at best wishes. Masayang-masaya kami ni Damon. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Ilang beses na ako nakaramdam ng unexplainable feelings pero hindi ko maintindihan ngayon. Pinagsamang tuwa at excitement lang ang nararamdaman ko.


"Congrats, Gibrielle. I'm so happy for the both of you." Bati ni Hunter pagkalapit sa akin.


"Thank you, Hunter. Thank you sa lahat ng nagawa mo and I'm sorry sa mga pagkukulang ko."


"Wala 'yon."


Hindi na siguro maiiwasan na makakasakit tayo ng mga taong malapit sa atin. May mga nasasaktan tayo ng sinasadya at hindi sinasadya. May mga minamahal tayo ng sinasadya at hindi sinasadya. Pero natutuwa ako na kasama ko pa rin ang mga taong malapit sa akin.


Nilapitan ko sina Zanea at Van na nakikipag-usap kay Avee. Pagkarating nila, hindi na nila tinigilan ang anak ko. Napaghahalataan na gusto ng magka-baby nina Zanea.


"Gib, kapag nabuntis ako, si Avee paglilihian ko ah!" Nakangiting sabi ni Zanea pagkalapit ko.


Natawa ako nang mapaubo si Van. Nagkatinginan kami ni Zanea at pinagtawanan siya. Para pa siyang nahiya sa aming dalawa.


"Napano ka?" Tanong ni Zanea kay Van.


"Wala." Aniya saka umalis sa tabi namin.


Napailing na lang ako. "Hilig mo pa rin asarin 'yun no."


"Nakakatuwa kasi siyang asarin." Ngisi niya. "Pero alam ko galit sakin 'yan. Ayaw lang niyang pahalata sakin. Pero kilala ko siya."


"Bakit?"


"I invited Paul sa kasal namin. He's my cousin and I invited his family. They're family. Matagal na kaming okay ni Paul."


"Is he coming?"


Nagkibit-balikat siya. "Paul and I may be okay but not with his family. I doubt it."


Kung ako si Van, medyo hindi ko nga magugustuhan na iimbitahin ni Damon ang mga ex's niya sa kasal namin. Madami sila. Let's say hindi kasali 'yung mga flings, will he invite Casper and Marie? Siguro okay na nga sila ni Casper pero wala na silang communication. And Marie? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi naman ako galit kay Marie. Wala akong hinanakit sa kanya dahil sarili ko ang sinisisi ko kung bakit nasaktan siya ni Damon.


Naging masaya ang araw na iyon dahil kasama ko ang mga taong malalapit sa akin sa isang napakasayang araw. Para bang ngayon na lang ulit kami nakumpleto at nadagdagan pa.


"Thank you..." Sabi ni Damon nang kami na lang dalawa sa kwarto.


Tulog na si Avee sa crib at kanina pa nagsiuwian ang mga kaibigan namin. Nagkaayaan sila uminom pero hindi sila nagpakalasing dahil may mga bantay na sila.


Inabot ni Damon ang kamay kong may soot na singsing. Kung dati ay isa lang ang soot ko, ngayon ay dalawa na. Sa araw ng kasal ay gagawin ko na lang pendant ang promise ring na bigay niya dati dahil hindi naman pwedeng tatlong singsing ang soot ko sa isang daliri. Ilalagay ko iyon sa trinity necklace ko.


"Para saan?" Tanong ko.


Nakahiga kami pareho at ang kanyang dibdib ang ginagawa kong unan. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon