Chapter 25

3.2K 86 4
                                    

CHAPTER 25

Inaantok pa ako nung dumating si Damon sa bahay. I gave him a spare key para daw kapag emergency, meron siya. If I know, gusto lang niya magpunta dito anytime. O kaya naman ay si Zanea ang nagpapasok sa kanya. At ngayon, ginugulo niya ako sa kwarto.

"Get up, Gibrielle!" Sigaw niya.

Sinilip ko siya gamit ang isa kong mata. Naka-halukipkip siyang nakatingin sakin. Pumikit ulit ako. Inaantok pa talaga ako.

"5 minutes, please." I said.

"Get up or I'll carry you to the bathroom at ako ang magpapaligo sayo!"

Awtomatikong bumukas ang mga mata ko. Ugh! Kapag nga naman sinumpong siya! Nakakainis! Tumayo na ako at mabilis na naligo. Minadali ko na ang pag-aayos. Nakaalis na daw si Zanea, sinundo siya sa kanto ng boyfriend niya. Hindi na rin sana ako magbe-breakfast pero may take out pala si Damon at sabay kaming kumain. Nag-aalmusal na siya ngayon dahil sa akin. I'm glad na may maganda rin naman pala akong naidudulot sa kanya.

Nagpahinga kami saglit bago umalis. Mahirap na. Ayoko siyang magkasakit sa appendix dahil kakakain lang namin tapos ay magmamaneho agad. Bawal daw iyon sabi ni mama sakin dati. Pagkarating namin sa school, hindi na naman nawala ang mga tingin samin ng mga zombies. Unti unti rin naman siguro akong masasanay sa kanila. Sabay kaming nagpunta sa theatre. Naka-schedule kasi ang paggamit ng theatre para pag-praktisan. At kami ang naka-sched ngayon. Ibang section naman mamaya.

"Gibrielle, dun tayo sa ending scene." Sigaw agad ni Ingrid sakin.

"The bitch!" Bulong ni Zanea nung tumabi siya sakin. "Do the kiss, guys. I wanna shiver!" Humalakhak siya.

"Bwisit!" Sabi ko na lang.

Humiga na ako dun sa nilapag nilang lamesa. For now, lamesa ang gagamitin ko para higaan. Nagsalita na sina Damon at ang mga kaklase naming magpo-portray as dwarves. Hanggang sa marinig ko na ang qeue para sa kiss. Sheez! I know, tototohanin ni Damon ang halik. Ito na ang 3rd to the last practice namin. Next week na ang performance dahil pagkatapos ng week na iyon ay prelims na namin. Goodluck!

Kahit nakapikit ay ramdam ko na ang presensiya ni Damon. Pati ang mga singhap ng mga kaklase namin, ang tili ni Zanea, alam ko ng hahalikan na ako ni Damon. Pwede bang bilisan na niya? Nahihiya na ako.

"I'm going to kiss you, my snow white." Bulong niya.

Nararamdaman ko na ang paghinga niya. Malapit na siya. Slow motion ba talaga? Baka maihi ako sa performance namin.

"Damon!" Napamulat ako sa sigaw ni Ingrid. Nagkatitigan kami ni Damon. "Wala ka naman sasabihin kapag hahalikan mo na siya. Nasabi mo na ang script mo, bakit bumuka pa ang bibig mo?"

Somehow, naiintindihan ko si Ingrid. Kaya siya sigaw ng sigaw ay dahil sa papalapit na ang performance at hindi pa ayos ang iba sa pag-arte. President kasi siya at gusto talaga niya makuha ang incentive na makukuha ng mananalo. We all want that.

"Ulitin niyo! Dwarves labas! Ulitin niyo!" Sigaw ulit niya.

Pero ang nangyari, hinalikan na ako ni Damon sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Lumakas ang singhap ng mga kaklase ko.

"Woooh!!!" Sigaw ni Zanea.

"Okay!" Ngisi ni Damon.

"Damon!" Ako naman ang sumigaw.

Tumawa lang siya at bumalik na sa pwesto. Argh! Pumikit na lang din ulit ako kahit na mahirap pigilan ang pagngiti. Para tuloy akong baliw na nakangiti habang naka-pikit. Inulit nila ang eksena hanggang sa maramdaman ko na naman ang papalapit na hininga ni Damon. Nagyoyosi pa ba siya? Bakit ang bango ng hininga niya?

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon