CHAPTER 35

181 8 0
                                    

CLOCKWISE

I am looking beyond.

Ngayon ay nakaharap sa panibagong yugto ng buhay, ng may kasamang espesyal na tao. Malaki ang pagnanais makasama ito sa kabila ng mga delikadong responsibilidad sa lihim na gawain.

Habang kausap ang kaibigan nito ay niyakap ko siya mula sa likod.

May isa pang inaantay na kailangan gawin namin at hinihintay ko ang lalakeng ito mauna pero baka matagalan pa kaya gagawa na ako ng paraan. Sa halos isang buwan ng nakakalipas simula ng problema nito sa pinamamahalaan ay hindi pinapaalam sa akin ang naging suliranin.

Pagkatapos makipag-usap sa kaibigan ay nagtangka ako. "Sky, pinakilala na kita sa family ko, ako kailan mo naman ipapakilala?" Straight to the point.

Matagal bago sumagot. "Gusto mo ba sila makilala?" Sa mabigat nitong boses.

"It's normal to meet them. But if you do not want it, I am alright whatever your--"

"Paano mo nasabi hindi ko gusto?"

"Halata kasi sa mukha mo."

Hindi sumagot. Hindi ako sumuko.

"Are they the reasons why you have bruises on that day? Like your brother Rain?"

Ang mga mata ay napatitig sa akin ng seryoso. Hindi ko hilig manghimasok pero magiging parte siya ng buhay ko. Kailangan niya ng tulong.

Niyakap ko siya. "I am sorry if I said something you don't want."

"It's okay. I think you should meet them. We have a scheduled family dinner at Tagaytay later." Tumingin sa relos. "Less than an hour left. Do you want to go with me? Then know for yourself what they are like?" Parang nahihiya.

Tumango ako, ito na nga ang nais. "Sige."

Walang masyadong paghahanda dahil nakasuot naman ng akma sa pupuntahan. Ito ang nagmaneho at mabilis ang paandar ng sasakyan.

"Are you nervous?" Sa minsan tanong ni Sky.

Ako? Kinapa ang dibdib. Napangisi pagkatapos. Ito na iyon, may first time, meet the parents. I mean, introduce properly.

"Why are you smiling?"

"Secret, my love."

"Do not hide secrets from me."

Pero marami akong sekreto. "I will try," iyon ang sinabi. "I am not nervous, actually," ito ang totoo.

Dahil minsan lang makaramdam ng kaba.

"Halata nga."

Pagkarating sa sinabi nitong lugar ay pinagmasdan ko ang mga nakikita. Ang ancestral house na nabanggit ni Sky ay may kalumaan pero alaga, sinadya ipreserve hanggang ngayon. Kaya pagkababa sa sasakyan ay inilabas ang cellphone at kumuha ng larawan, kuha kahit sa dilim.

Naglakad kami sa gitna ng mga halaman bago nakarating sa nasabing malaking pavilion. Nang makita ay malaki iyon pero mas malaki ang nasa mansion ni Lolo Lazaro.

Mahigpit ang hawak sa akin ng isa habang papalapit sa mahabang lamesa, pinapalibutan ng mga nakaupo at puno.

Nang makalapit ay unti-unti lahat sila ay nagsisitungo ang ulo para tumingin. Isa sa kanila ay tumayo, ang naalalang ina ni Sky.

"Sky!"

Tapos ay tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, hanggang nanlaki ang mga mata. Pati ang iba at ang ilan ay nakabukas pa ang mga bibig. Ang mga mata nila ay palipat-lipat ng tingin, sa amin, sa mukha ko, sa ayos namin lalo sa magkahawak na kamay.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now