CHAPTER 12

1 0 0
                                    

TWENTY-TWO YEARS OF AGE

I passed the board exam.

Ang pangalan ay kasama sa top ten. Siguradong nakanganga lahat ng mga nakakakilala sa school dahil ang palaging lowest ay nasa top. Napangisi sa ginawang exciting na buhay. Binigay lahat ng best kaya nangyari ang dapat at planong mangyari. Second placer ang naabot, hindi nakuha ang first spot at point three lang ang lamang. Magaling naman kasi ang una.

Hindi bale, kukunin ko ang first placer na magtrabaho sa akin balang araw.

Balang araw kasi kukunin pa lang ang Havillan at may natitira pa akong isang buwan sa goal na one year.

"Congratulations," walang emosyong sabi ng kapatid, nasa ibang bansa na kasi si Ezekiel.

"Salamat. Ano gusto mong celebration?"

"Ikaw ang nakapasa kaya ikaw ang mag-isip ng celebration," habang pinaglalaruan ang pendant na suot.

Nasa loob kami ngayon ng condo unit ko sa Alicia Heights Condominium. "Laro na lang tayo ng XBox," yaya ko saka binaba ang tablet kung saan nalaman nakapasa through internet.

"Sa lahat ng nakapasa ikaw ang maglalaro ng ganyan," mahaba ang nguso, halatang wala sa mood. "Siguradong tatawag na sila papa para i-congratulate ka at kumain sa labas."

"I wonder what will be their reaction," natatawang sabi ko.

"Masaya? Oo nga pala, ipinagtapat ko sa kanila na genius ka? Remember the genius conference?"

Napasimangot sa narinig. Panira talaga itong si Trina ng kasiyahan. Ang nasa isip na plano ay mas shocking sa mga magulang ang revelation ngayon.

Tumunog na nga ang personal cellphone.

"Hello."

"That was awesome, Acelus! You're in second place!" Salubong ng ama.

Halos mabasag ang eardrum. Inabangan siguro ang resulta. "Thanks pa," sa masaya kong balik.

"How did you do that?"

"Nag-aral po."

"I know, but you said you are in the lowest standing?!"

"I cheat," napatawa sa sariling sinabi.

"You confuse me. But I'm happy for you. Your mother is here."

"Acel, congratulations! I did not believe at first, pero malinaw nabasa namin ang pangalan mo. Kagaya ng papa mo masaya ako, masaya kami para sa'yo dito. What do you want to eat? Can we go outside tonight?" Sa mapagmahal na boses.

"Sige Ma, kain tayo sa labas mamaya pero treat niyo ni papa, wala pa akong trabaho."

"No problem for that. I will call everyone to celebrate with you."

"Acel, do you want a Japanese food? Korean or Italian? Maybe seafood or--"

"Pa, kahit ano basta kasama ko kayo nila mama. Sige na, may gagawin pa po ako. Message niyo po ako kung saan."

"Okay, I love you anak."

"Love you too Pa, at kay mama," saka itinigil ang tawag.

"Walang trabaho ha?" Nakataas ang isang kilay ni Trina.

Binigyan ko ng ngiti. "Wala pa di ba?"

"Really?"

"Puro lang ako sideline."

"Sideline pa lang iyon sa'yo?"

"Ai, halika na nga, labas tayo." Hinila ko na ang kamay niya.

"May pasok pa ako."

BOOK 3 - UNLIMITEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant