CHAPTER 26

152 7 0
                                    

BREAKTIME

I am also a stone.

A black stone, the black diamond.

Napangiti sa pagiging emo ng isip.

"Acel, welcome back," ang salubong ng secretary. "Hindi kita makontak sa phone mo last week, hinahanap ka ni Mr. Sky Fonrer, the President of Instrumental Company. He's asking for your presence regarding the particular material used, he suggested another--"

Nawalan ng ngiti sa narinig. "Ang assigned architect na ang bahala doon," sa malamig kong tugon.

Pumasok sa opisina habang nakasunod ang isa.

"Okay, pero kailangan pa rin ang orientation mo. Ayaw ng incharge architect gumalaw basta na lang at baka may mabago sa nasimulan. Or feeling ko may mas deeper pang concern, urgent ang narinig ko mula sa architect."

Baka dahil sa attitude ng president.

"Sige," para matapos na. Umupo sa upuan at binuksan ang laptop, at ang maraming folder sa harapan.

"Marami pa rin reporter ang naghahanap sa'yo para ma-interview ka regarding Cleofford Henner."

Napangiti ako ng maalala iyon.

"Woh! Inlove ka na, Acel!"

Ngumiti lang inlove na? "Ewan ko sa'yo Ted, may report ka pa ba?"

"Wala ka pang assistant director. May nag-file ng petition na pagtuunan mo ito ng pansin--"

"At ang choice nila ang gustong ilagay sa pwesto?" Kung hindi lang enjoy magtrabaho at malambot ang puso ay matagal ng pinaalis ang mga empleyado na iyan. Buti na lang nakuha ko na ang sang-ayon ng Hanzo Clan na may malaking connection pala sa Jaspi Group.

"Absolutely, yes."

"Decline."

"I'm happy to hear that."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"Ayoko ng bumalik uli ang pangit na atmosphere noon dito. Very satisfied na ako sa management mo, istrikto pero malambot ang puso." Nakangiti pa.

"Salamat, at dahil dyan may free tickets ako sa anniversary niyo ng asawa mo." Nilabas mula sa bag ang dalawang papel, three days free lodging sa Isla Sapira.

"Wow! Totoo ba 'to?!" Mukhang hindi makapaniwala. "Nagkukwentuhan lang kami noong isang gabi, balak namin pumunta sa islang 'to!" Masayang tumawa. "As in Acel ibibigay mo lang 'to sa amin?! Free?"

"Itago mo na 'yan Ted kung ayaw mong magbago pa isip ko."

"Thank you, Acel!"

"Welcome."

Mabilis lumabas ito ng opisina. Masaya rin ako na may nakikitang tao na masaya.

This is my life.

Maraming nangyari, nangyayari, at iba't iba pa.

AFTERNOON

Nagpasyang pumunta sa Instrumental Company.

"Marami silang suggestions, karamihan conflicting," sabi ng pumalit na architect. "Tapos masyadong maselan ang presidente pero nakakayanan naman ng team ang adjustments."

"Ganoon ba?" Nag-isip ng malalim.

Pagkatapos ng ilang segundo ay naka-isip ng konkretong plano.

"I will go to their office. I will come back with a decision," sabi ko.

Tahimik pumasok sa loob, sa daraanan na itinalaga habang may renovation sa ibang parte ng gusali. Ang tahimik na paraan ay walang saysay. Kahit tapos na ang breaktime ay hindi maiiwasan ang mga tao sa tabi tabi. Mula sa elevator at sa huling floor, may mga kasabayan, lahat ay mga nanlalaki ang mga mata at ang iba ay napapatulala.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now