CHAPTER 32

200 10 0
                                    

NIGHT OF HOLDING HANDS

Niloloko ko lang naman siya para maalis ang napansin kaninang kaba.

Wala pang isang oras nakarating sa lugar. Ang malawak na solar, ang lugar ng kinilalang pamilya. "Si Lolo Lazaro, ang ama ni mama ang may-ari ng mansion. He's a Canadian kaya ganyan ang design ng bahay. Sina papa at mama ay dyan nakatira para makasama si lolo," sabi ko pagkapasok sa bakuran.

"I hope I could also bring you to my grandfather's ancestral house in Tagaytay," sabi nito.

"Sure." Isa iyon sa aabangan.

Muntik pa kanina makalimutan ang dinner ng pamilya dahil nawala sa isip, minsan lang mangyari dahil may kanya kanyang ka-busyhan ang bawat isa.

Sa malawak na dining room ay may nakaupo ng tatlong tao sa harapan ng pahabang lamesa. Ang tatlo ay agad napansin ang pagkakahawak sa kamay ko ni Sky. Habang si Sky ay kabado, hindi halata sa panlabas.

"Acel."

Tumayo at lumapit sa amin si mama at sumalubong ng yakap. "Sino itong gwapo at matangkad na kasama mo?" Nakangiti, halatang tanggap agad kagaya ng pagtanggap nito kay Ezekiel, ang boyfriend ni Trina ng walang 'but's'.

"Si Sky Fonrer, Ma."

"Ah, hello hijo. Ako ang mama ni Acel, taga-saan ka?"

"Taga Parañaque po," pormal ang boses.

"Paupuin mo ang bisita natin, Trisha. Baka gutom na ang mga iyan," puna ni papa.

Lumapit kami sa kanila.

"Dito ka hijo," sabi pa kay Sky.

Halatang may pagdadaanan itong isa.

"Ako si Oda Villan, ang ama ni Acel, at ito naman ang lolo niya," pakilala ng ama pagkaupo katabi nila.

Binigyan ko ng yakap si papa at si lolo Lazaro habang nagpapakilala sila. Pagkaupo ay naghanda ako ng makakain sa mga plato namin.

"Matagal ng hindi ka dumadalaw dito, Acelus. Baka puro ka trabaho at hindi na nagpapahinga?" Tanong ni papa.

"Mahalaga sa akin ang tulog, Pa. Hindi iyon mawawala sa araw ko."

Nahuli may ngiting dumaan sa mga labi ni Sky, pero nawala dahil sa tanong para dito.

"Girlfriend mo na ba si Acel, Sky?"

Sinalo ko iyon. "Kung sinama ko na ba dito ay boyfriend agad?"

"May walang relasyon ba na magkahawak kamay?"

"Bakit niyo pa tinatanong kung obvious naman?"

Ang tungkol kay Cleofford ay alam nilang magkaibigan kaming dalawa, dahil magkakasama kami sa gabi ng engagement ni Trina.

"Oh yes, I agree, Father!" Dumating ang panggulo ng kasiyahan.

"Traisie, I thought you will not come?"

"Much important is I did come. I will not pass this opportunity." Nakangising nagbigay ng tingin.

Ibinalik ko iyon.

"So, my dear sister, is he the man who tames your playful heart? I mean being a playgirl?"

Sabi ko na nga ba.

"Traisie, you should greet your father and grandfather first," halatang saway ni mama.

"Oh, sure." Ginawa ang sinabi.

Umupo sa harap namin at nakangisi papalit palit ng tingin sa amin ni Sky. Hindi ko siya pinansin dahil kinuha ng isa ang atensyon ko.

"Bakit iba ang apelyido mo sa papa mo?" Pabulong na tanong.

BOOK 3 - UNLIMITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon