CHAPTER 36

2 0 0
                                    

NEXT MOMENT

"Acelus!" Mabilis ang paglapit ni Sky at yumakap. "Are you okay? What happened?" Puno ng pag-aalala ang mukha.

Nagsidatingan ang mga kapamilya at tumingin sa nangyayari sa masikip na lagusan.

Wala naman natamaan tao, ang pader ang kawawa.

"Tinutukan niya kami ng baril," sabi ko sabay turo sa walang malay na lalake, "buti na lang dumating si Moon."

Tama naman ang sinabi ko, wala lang elaboration.

Si Moon ay agad nakuha ang nais iparating at tumango tango. "Looks like he is in drugs."

"Cloud!" Sigaw ng isang nanay doon at pilit nilapitan ito pero may pumigil na isang may katandaan na lalake.

"Let's go," sa paghawak ni Sky para umalis dito. "Uwi na tayo."

Pero humarang sa amin ang ina nito. "Acelus hija, uuwi na ba kayo? Masyado pang maaga--"

"Kailangan ko ng ialis si Acelus sa delikadong lugar na ito," sa nakakatakot na boses ni Sky.

"Okay okay! Kailan tayo pwede magkita hija? I'm sure you love to go out with me and go to the salon and--"

"We need to go."

Inalis ako doon.

Habang nasa daan ay walang imikan.

Hinihintay ko ang katabi magsalita at mauna dahil wala akong balak pangunahan ito. Ang buong atensyon nito ay nakatutok sa daan, at hindi man lang magbigay ng kahit isang sulyap. Kaya ipinikit ko ang mga mata at nagtangka matulog pero hindi man lang inantok.

Sa matagal na katahimikan ay hindi ako nakatiis. "I am starving, Sky," palusot ko pero totoo naman konti lang ang nakain kanina.

"Ipagluluto kita," sa mahina pero buong boses.

"Wala akong food sa bahay, doon na lang sa place mo."

"Oo."

Tahimik ulit, wala naman anghel na dumaan? Awkward. Hayaan at baka may malalim na hindi maarok na pinagdadaanan ang taong ito.

Wala pa rin imikan hanggang makababa ng sasakyan at makapasok sa unit. Pero pagkatapos ilock iyon ay basta na lang yumakap ng napakahigpit.

"Nagsabi akong sasamahan kita but you refuse! Paano kung hindi dumating si Moon? Paano kung nabaril ka? Dapat kasama mo ako doon."

Ha? Iyon pala. Hahaha.

"Don't get me wrong but don't do it again, don't refuse when I felt to be at your side," sa mahigpit pa rin yakap. "Please answer me."

"I don't want a possessive person," sa mahinahon kong boses.

"That's not being possessive, it is called being careful and I wanted to protect you from any harm." Inalis ang pagkakayakap.

"Bahala ka," sa walang gana kong sabi, "hindi na ako nagugutom, matutulog na ako."

Hinubad ko ang sapatos. Sunod ay ibinaba ang zipper ng suot na dress.

"May nasabi ba akong ayaw mo?" Nag-aalala ang boses.

Acting lang naman ako at nagiging asal bata. "Wala naman." Tinalikuran ko siya at dumiretso sa tulugan namin.

Pagkaalis ko ng damit ay nabigla nang binuhat ako at nilapag sa higaan, at ang malambot kong katawan ay napailalim ng parehas napahiga.

"Matulog muna tayo saglit, kapag nagutom ka ipagluluto kita," at yumakap pa.

"Mabigat ka." Pilit inaalis ang bigat nito.

"Hindi ako mabigat, sabi mo 'yan palagi."

"Nabibigatan na ako ngayon."

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now