CHAPTER 17

163 7 0
                                    

DURING A FEW SECONDS

That woman.

Mula sa exhibit ay umuwi sa inuupahang maliit na bahay sa Parañaque. Diretso sa kusina at uminom ng malamig na tubig, para sa natutuyong lalamunan.

Sa loob lamang ng labindalawang minuto kasama ang unang pag-uusap at bago maghiwalay ay parang marami ang nangyari. Mula sa personalidad ng babae, ang kaalamang isang architect ito, at nagdisenyo ng Isla Sapira. Ang halik noon at ang kanina mismo. Mas lalo ang mga huling sinabi.

Maliit lang ba talaga ang mundo at nakaharap muli ang babaeng walang paki sa privacy?

Kinapa ang sariling mga labi.

May kung ano anong imahinasyon ang pumasok sa isipan. Binalewala at pilit inaalis pero natigilan saglit dahil sa pagpasok ng isang alaala.

Acelus Kyung. Ang pangalang iyon. Ang nabanggit ng kaibigan, ang namumuno ngayon sa sikat na construction company.

"...her smile, lips, voice, all are so soft and calm."

Parehas ng napansin kagaya ng definisyon ng kaibigan.

"...pero mahirap siyang abutin, like a sky. I thought she was so near, but when I tried to come and be close, I couldn't touch her."

But I did touch her. Then we kissed. Twice already. Ano ang ibig sabihin doon?

Bibigyan ba ng kahulugan? Gusto ba maulit ang nakaraan? Ang maniwala sa ganoong pakiramdam at sabihing nagkamali pala?

Women!

Their trash words.

Tuluyan binalewala at tinawagan si Froiland para ipaalam nandito ako ngayon sa capital.

A DAY LATER

Tatlong araw ng sinimulan ang renovation.

Mula sa opisina ay nakatanaw sa ibaba, mga abala ang mga taong parte ng pagbabago ng imahe ng Havillan. Simula ng umupo sa pinakamataas na posisyon ay ito agad ang naisip, ang renovation para makalimutan ng lahat ang luma. Aprubado ito ng ibang matataas ang share sa kompanya.

Isa sa nais ay para magkaroon ng pribadong entry, ang daan papunta sa opisinang ito. Nasa plano iyon lahat. Sa loob ng limang buwan ay inaasahang matatapos ang construction, ang ginawang kalkulasyon dahil nais iyon mapabilis.

Pumasok ang secretary. "Acel, ito ang evaluation sa nakaraang exhibit. Congrats to us, nakuha ng Havillan ang titulo. At dahil babae ang leader, ang tamang term ay The Empress of Architecture." Inilapag ang isang folder.

Napangiti sa term nito. "Kumusta ang reaction ng corporation?"

"Speechless. They are wrong about you, because of badmouthing from Jaspi Group. Buti hindi nila sinira ang event."

Dahil ginawan iyon ng paraan at safety precaution nang walang nakakapansin.

"They are not worthy of attention. Kumusta pala ang procedure ng renovation?"

"May opposition syempre. Pero wala silang nagawa, only using their mouths to justify. I understand them. I feel the same way but change is for the better."

Tapat talaga ito magsalita kahit sa harapan ko. "Thank you sa effort. Kung wala ka mas mahihirapan ako dito," sinabi ko rin ng tapat.

Namula ito. "No. I should be the one to thank you. Wala akong potential dito at sabit lang. Pero nagtiwala ka sa akin at--"

"Drama, Ted."

"Ikaw nag-umpisa kaya."

Nagsenyas akong lumisan na ito. "Baka mag-iyakan pa tayo dito."

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now