CHAPTER 31

1 0 0
                                    

SAVE TIME

Habang sakay ng helicopter pabalik sa pinanggalingan.

Ang katabi ay puyat, pero kahit puyat ay patuloy sa pagbibigay ng maliliit na halik, mula sa buhok, pisngi, sa gilid ng labi ko at sa balikat.

May after shock pa yata ito.

Or hindi pa nakaka-move on.

Napangisi at hinahayaan. Nakakuha kagabi ng maganda at diretsong tulog.

"Matagal kang magising kanina," sabi ko, dahil nga puyat ito, "malakas pa humilik, magigising ang buong resort sa iyo."

"Look who's talking? Nakatulog ako sa kaka-gising sa'yo, parang mantika ka matulog na hindi man lang gumalaw sa garapon."

Nginitian ko ng matamis. "Kahit na, maganda naman ako matulog."

Ipinagpatuloy nito ang gawain.

"Baka maubos ako," sabi ko pero ayaw ko siya patigilin dahil gusto rin ang lahat.

"Para maakit ka sa akin at hindi mo ako paasahin."

Napangiti muli sa nabanggit. Iniba ko ang usapan nang may maalala. "Bakit hindi mo ipinagpatuloy ang architecture pagkauwi mo dito sa bansa?"

Tumigil at tumahimik. Yumakap ng mahigpit.

"Pag-usapan natin kung kailan ka handa."

"I am ready."

Kita nga iyon sa mukha.

"I was lost and did not have direction in life... I was broken. My parents took advantage of it and pointed me for their gain. I found myself in a more pathetic situation with too strong cords around me. Then Froiland came and inspired me to regain myself. I did not continue what I have started but rather, I did stand on what was matter during that time."

"Still, architecture is your first love," sabi ko.

"Yes. You saw me at the exhibit... my love for it has not left me all this time."

"And your love for Samantha?" Diretso kong tanong.

Nagtama ang aming paningin.

Huminga muna ng malalim. "It is gone."

Pinagmasdan ko ang lahat sa kanya.

"What concerns me right now is yours to me," sabi a nito.

Naputol ang usapan ng may natanggap na mensahe mula sa secretary. Agad ko tinawagan at inalam ang sakop ng problema. Minsan lang ito mangyari at ito ang malala.

Sinabi ko iyon kay Sky. "May builders akong naaksidente sa pinapatayo namin condominium units sa McKinley, seryoso ang lagay nila at humingi ng tulong sa akin ang team leader kaya pupunta ako doon agad."

"Go for it."

Wala pang usapan kung kailan ulit magkikita. "Marami ka bang trabaho sa Instrumental?" Iyon ang lumabas sa bibig at hindi ang unang naisip.

"Marami, pwede ko naman gawin bukas."

Nakuha agad nito ang tanong ko, kaya, "Ang isang Sky Fonrer ay nagsasalita ng ganyan? Pinagbubukas ang gawain?"

Napangiti. "You have mistaken me. Alam ko naman na ayaw mong maghiwalay tayo at halata ka naman na gusto mo pa akong makasama. So, bukas ko na gagawin ang iba kong trabaho."

Ako pa talaga ang dahilan? Malinaw naman na mas gusto niya akong kasama. "Right. Be with me."

Proud nakangiti.

Pagkarating sa rooftop ng skyscrapper na pag-aari ni Froiland ay dumiretso pumasok sa elevator at pinindot ang ground floor pero isang floor pa lang pababa ay bumukas agad at nasa harapan mismo namin ang may-ari.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now