CHAPTER 27

153 8 0
                                    

UNEXPECTED MOMENT

Nang umalis sa trabaho ay pinagkaabalahan ang iba pa. Bumabawi sa ilang araw na pagkawala. Sa dami ng demand dahil sa tiwala at rekomendasyon ng iba. Balak ng magtatag ng karagdagang branch.

Sa kabila ng punong schedule ay may hindi natanggihan.

"Yes?" Ang tawag mula kay Cleofford.

"Let's have a date."

Parang galing sa sementeryo ang boses, ang lamig. Ang taong nagyaya ng date na parang namatayan.

"When?" Para tapusin na ang lahat at trip to Italy naman ang hihingiin.

"Now. I am here on your company's parking lot."

Demanding naman nito. "Pwede tumanggi?" Nais subukan.

"I need you now," may urgency ang tono.

"Marami akong appointment sa araw na ito."

"Ako ang unahin mo."

Pinutol ko ang tawag at pinaka-cancel ang ibang dapat sana ay gagawin. Pumunta sa parking lot ilang minuto pagkatapos.

"Saan tayo?" Tanong ko pagkasakay.

Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Buti mabilis ang kamay na napahawak sa seatbelt at agad kinabit.

"Change your looks, you look cheap."

Napangisi sa komentong iyon. "Pero nagkagusto ka sa mas simple kaysa sa akin." Makaganti nga.

Masama ang tingin. "She is more beautiful than you."

"Yah yah yah, love is blind."

"I'm not blind."

"Love ang blind at hindi ko sinabi na ikaw." Inlove nga.

"I'm sorry for the inconvenience," maya-maya ay sabi.

"Alam kong alam mo na ang kapalit," balewala kong sabi. Nagpasyang maghalungkat sa compartment, baka may pagkain.

"I know, I will double it this time."

May nakita akong fish cracker at basta na lang iyon binuksan. "Ano ang gagawin ko?"

"Bakit mo binuksan 'yan?!" Malakas ang boses.

Fish cracker lang. "Kakainin ko."

Isusubo na lang ang isa nang inagaw pa sa kamay ko.

Wow, dual tasking. Nagmamaneho habang kinuha gamit ang isang kamay ang balot ng fish cracker, pati na rin ang isang piraso.

"Gutom na ako." Gusto kong agawin iyon pabalik.

"I will buy you another one, not this." Sobrang desidido ang mukha.

Nabitin ako, naamoy na tapos nawala pa. "Paborito ba niya 'yan o may memories kayo sa mismong pagkain na 'yan? Pwedeng bigay din o kaya ay naiwan niya sa sasakyan na ito?" Tanong ko.

Tumingin sa akin ng nahihiwagaan pero konti lang, may natumbok yata ako.

"Don't mind this."

"Ingatan mo 'yan baka mawala o kaya kainin mo na baka masira pa o maunahan ka pa ng iba."

"Here we are."

Sa kalapit na mall pumunta. Tinago sa isang bag ang pagkain. Nauna ng bumaba sa sasakyan at inaalalayan akong bumaba. Bago kami maglakad ay may nilabas na disguises at isinuot namin dalawa.

"Para saan ito?"

"I don't want my face published in a paper with an ugly woman."

Oh? Me? Iwan ko kaya ito?

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now