CHAPTER 7

154 7 0
                                    

THE DAY OF THE SEMINAR

Sabik at patuloy ang pagkuha ng larawan ni Sir Alfred sa Museum ng Havillan Con, isang construction company na kilala sa pagbibigay ng sevice na pang first class.

Hinayaan ang paningin maglakbay sa loob ng gusali, malaki at malawak ang unang napansin. Ngayon lang nakapunta dito. Ang kompanya ng aking ama at ang kanyang biyenan.

"Dito tayo, Acelus."

Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa malaking conference room. May mga ilan din tao ang naroroon na.

"Isang malaking privilege ang maimbitahan dito, mas lalo na magtrabaho," bulong ni sir.

"Bakit po?" Inosente kong tanong.

"Kilala ang company na ito na puro magagaling ang mga nagtatrabaho, engineers, architects..."

"Balak niyo rin po ba magtrabaho dito, sir?"

"Hay Acelus," malalim ang buntong hininga. "Hindi lang balak kundi pangarap. Itong pagkakataon nandito tayo ay isang taon kong pinagsumikapan makuha."

Napatingin ako sa itsura niya, malapit na rin daw ito sa thirty at wala pang asawa dahil puro kayod ang ginagawa. "Hayaan niyo sir, kapag ako na ang presidente ng kompanyang ito, kukunin ko po kayo. Ano pong posisyon ang gusto niyo?"

"Puro ka biro!" Tinusok pa ang pisngi ko. "Pero kung papipiliin ako, gusto ko kahit assistant ng draftsman okay na."

"Sige, hindi ko po iyan kakalimutan, sir."

Tumawa ng malaya. "Sige na, baka saan pa mapunta ang usapan natin at baka puro pangarap na lang ako. Ilabas mo na ang sketch pad at lapis mo."

Sinunod ang sinabi nito at mayamaya ay nag-umpisa ang programa. Magaling ang coordinator, ang nag-conduct ng program, pati rin ang presentations ng lisensyadong Engineers, Designers at kung sino pa bilang promotion sa real state business.

Naalala ang tungkol sa sinabi ko kanina sa arts teacher ko, seryoso ako doon. Hindi imposible maging presidente sa lugar na ito.

May karapatan ako.

Mabilis lumipas ang dalawang araw at ni anino ng ama ay hindi nasilayan.

Sayang. Pero naalala kaya niya ako? Bata pa nang ipakilala siya sa akin ng aking ina.

"Malaki ang natira sa budget natin Acelus, gusto mo ba kumain sa restaurant?"

"Huwag na po sir, okay na sa akin ang pagkain sa fastfood."

"Okay lang, halos wala na tayong pahinga, treat na rin natin sa sarili."

Napasunod ako palabas sa maliit na hotel ng tinutuluyan sa Pasay malapit sa Havillan. Nag-taxi kami papunta sa kung saan at tumigil sa harap ng Lobster Point.

"Paborito ko ito."

Obviously, si Sir Alfred lang ang may gusto nito. Sinama pa ako.

"Okay na sa akin ang maliit, sir." Balak sana mag-order ng dalawang malaki.

"Sigurado ka?"

"Sa inyo na ang malaki, hindi ko kasi mauubos." Malakas ako kumain pero hindi lang mahilig ang dila sa lobster. Pero ang mukha ng kaharap ay parang bata na binigyan ng lollipop.

Napadako ang paningin sa kabilang lamesa, malayo sa pwesto mula rito pero maingay kaya rinig ang mga boses lalo na ang isang babae.

A family.

Napatitig ako sa kanila nang maaninag ang pamilyar na mukha, ang pinakilala sa akin ng ina na ama ko raw ay naroon. Nakaupo at masayang nakikipagkwentuhan sa katabi at may nakapalibot na tatlong anak.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now