CHAPTER 1

298 8 0
                                    

SIXTEEN YEARS OF AGE

Nakatayo sa harap ng karagatan ng hindi nababasa ang mga talampakan, habang nilalasap ang hangin dagat na nagbibigay ginhawa sa katawan.

Hindi pa nagtatagal nang lumubog ng tuluyan ang haring araw. Bumabagsak na ang dilim at lumalamig ang simoy ng hangin. Hangin na may halong alat sa pang-amoy.

Nilakad ko nang nakapaa ang mahabang baybayin at pinagsawa ang sarili sa pagpulot at pagtingin tingin sa mga kakaibang hugis ng yamang dagat sa ilalim ng sumisilip na liwanag ng buwan.

"Don't! Please stop this!"

Isang hindi kalakasang boses ng babae sa di kalayuan mula sa akin sa nilalakaran. Maaaring nasa pagitan o likod ng mga nakatayong maliliit na bahay na bato.

"Please, don't do this to me! I beg of you!!" Umiiyak ang boses nito.

Nilapitan ko ang tinig ng nagmamakaawa at hinanap ng tahimik kung saan. Walang tao sa paligid maliban sa akin. Madaling nahanap ang kinalalagyan nito sa likod ng cottages dahil rin sa patuloy na pag sigaw kasabay ng iba't iba pang mga boses. Nang makita ay inaasahan kong hindi ito nag-iisa, iyon ay dahil may yumayakap ditong isang lalake at sapilitan pinaghahalikan. Mayroon din isang lalakeng may maitim na balat na nakatayo malapit sa kanila at tuwang tuwa sa pinapanood.

Sa maikling salita, ginagahasa ang babae.

Maliban sa dalawang lalake ay may apat pang kalalakihan ang nakaupo sa hindi kalayuan at pinagkakatuwaan din ang panonood sa nagaganap.

"Stop it!" Tili ng babae.

Bumalik ang tingin ko sa kanya, walang magawa dahil sa lakas ng lalake. Punit na ang damit pang itaas, kita ang may kaliitan na dibdib at sunod nang tinataas ang palda nito.

Nagsitawanan ang mga lalake at nagbigay pa ng cheer ang iba. Inumpisahan ang aktual na pag gahasa doon sa kawawang babae.

Pumulot ng malaking bato at hinagis sa lalake. Natamaan sa likod, sa bandang gilid. Nasaktan at tumigil, halos mabuwal.

"Hey!"

Pagtingin ko sa sumigaw ay nakatingin sa akin, pati ang apat na mga nakaupo.

"Oh, baby! Do you also want to have some fun?"

Lumapit agad sa akin ang maitim na lalake, may kalakihan ang katawan at matangkad. Imbis tumakbo palayo ay hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan.

Fun? Nakakatuwa ba ang ginagawa nila? Bakit sumisigaw ang babae at nagmamakaawa?

Hinawakan na ako ng lalake sa braso at kinaladkad papunta sa grupo nila. Marahas na pinahiga sa ibabaw ng lamesa. Tumama ang likod ko sa ilang matigas na bagay. Pagtingin ko sa kanila ay lahat sa akin nakatingin, ang iba ay sa katawan ko ang mga mata.

"I will be the first," sabi ng humila habang binababa ang zipper ng pantalon na suot.

"I first saw her, I should be the one," sabi naman ng isa na kulay mais ang buhok.

Nakatingin sa akin na parang may kakaining masarap.

"Care to fight for it?" Nakalabas ang dila ng nagsalita.

"You already have that first babe. We should have this one."

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa harapan nila at iniwasan ang isang kamay na hahawak sana sa bandang dibdib ko.

Sinilip ko sa pagitan nila ang babae na pinagkakatuwaan nila kanina. Sinasaktan ito ng lalake para patahimikin.

Iniwasan ko ulit ang isang kamay na hahawak sana sa braso ko ganoon din ang isa pa sa katawan. Tumayo at inilag ang katawan sa lalakeng inaabot ako at ni dulo ng daliri ay hindi nakarating.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now