CHAPTER 20

162 7 1
                                    

FOLLOWING DAYS

Nag-umpisa magtrabaho sa kompanya ng pamilya. Ang mga natutunang kakayahan mula sa boss ay ginamit para tapatan ang hinihingi ng pagkakataon. Hindi para sa expectation ng iba o ang makuha ang pabor ng magulang lalo ang lolo, iyon ay para sa sarili.

Sa unang linggo ay nakapagtayo agad ang pamantayan para sa mga nakamasid. Ang isang katulad ko ay hindi basta basta at pwedeng apakan. Sila ang nangangamba para sa kanilang kalagayan dahil baka malamangan sa galing.

Ang mga sumunod pang linggo ay may bagay na hindi nawawaglit sa isipan, parang nakatatak na iyon at hindi mabubura sa mahabang panahon.

Ang sabi ay magiging seryoso ayon sa sinabi ng huli.

Pero ni anino ay hindi nakikita.

Kahit sa mundo ng architecture ay tahimik ang taong iyon.

"Mukhang malalim iniisip mo."

Tumingin sa harapan, hindi napansin ang pagpasok ni Rain dito sa opisina.

"Marami akong iniisip na trabaho." Hindi pinalawak ang ibig sabihin.

"Pwede ba ako umutang sa'yo?"

"Saan mo paggagamitan?" Tanong ko habang abala sa papeles sa harapan.

"Allowance."

Binigyan ko siya ng pansin. "Kahapon pa lang ang paycheck, what happened?"

Bagsak ang mukha, pero parang binabalewala at hindi mahalaga. "Kinuha ni mama lahat."

Napahugot ng malalim na paghinga. "Bakit mo hinahayaan?"

"Sabi niya may mahalaga siyang paggagamitan."

Ibinagsak ang kamay sa lamesa. "That's a lie." Naalala ang mga nalaman noon tungkol sa pagsusugal ng mga magulang.

"Ano pala?"

"Gumawa ka ng ibang account. Magtabi ka para sa sarili mo."

"Balak ko 'yan gawin."

Nilabas ko ang sariling pitaka, muli lang naalala ang nangyari noon. Ang pagyakap ng isang Acelus Kyung at...

Ibinalik agad ang katinuan sa kasalukuyan. Naglabas ng sobra sobra para sa kapatid. "Huwag mo hayaan kahit ang pinaghirapan mo ay kontrolin din nila," paalala ko. "Hindi na kita tutulungan sa sunod."

Tipid na ngiti ang balik. "Salamat kuya. Buti nandito ka na, naging mas magaan sa akin ang lahat."

Naawa sa kapatid. "Sige na." Nagsenyas para umalis na ito.

"Bigay ito ah, hindi utang." Sabay umalis ng mabilis. Itinago sa ngiti ang madramang mukha.

Nang mapag-isa ay bumalik sa naputol na iniisip kanina.

PASTIME

Abala ako sa mga binabasa.

Puno ang schedule sa mga nakaraang linggo dahil sa dalawang pinagkakaabalahan. Trabaho at ang black diamond.

"You have a lot of dead skin, Cas."

Sabi ni Frances kay Caserine. Habang binibigyan ito ng foot spa ng isang Frances Kim.

"Marami ba? Baka sa kakarampa ko," sabi habang nagbabasa rin ng kung ano anong showbiz magazine. "What the!" Biglang sabi, at itinapon ang hawak. Sunod ay sa cellphone nakatutok.

"Anong news?" Tanong ko.

Mayamaya pa ay nagsalubong ang mga kilay at humaba ang nguso. "Lahat siguro ng makakausap ko kahit aso ay ililink na ka-relasyon ko."

BOOK 3 - UNLIMITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon