CHAPTER 28

1 0 0
                                    

UNSTOPPABLE TIME

Ang unang taong nakakakuha palagi ng sariling atensyon.

Napatunayan iyon muli ngayon.

Kinakausap ko ng masinsinan si Cleofford na itigil ang ginagawa, ang ganitong nangyayaring set up sa pagitan namin dalawa para ipalabas sa iba. Sa mahinang boses ng walang makarinig mula sa mga kasama. Sadyang inaabala ni Froiland ang iba para magawa ko ang dapat.

Iba sana ang plano, iyon ay manipulation. Pero dahil nasira ang konsentrasyon ay hindi magawa, nasira dahil sa pagsulpot ng dalawa at sa mga naririnig.

Sa muling pagtatama ng paningin pagkatapos nitong sabihin ang nararamdaman ay iba ang naging dating sa puso. Sa lahat ng mga nagtapat ng pag-ibig, ang narinig pa lamang ay ang higit sa lahat.

"Don't do it Acelus."

"I will if you won't stop this kid's work."

"It is not like that, I know what I'm doing, don't give counsel."

"Then I must do what I can."

Pasimple ang paghawak sa kamay. "Please, Acelus." Walang paki-usap sa mukha pero sa likod niyon ay puno ng pagmamakaawa.

Unang pagkakataon ito. Dahil sa pagkagusto ay may bagong pinapakita ang taong ito.

Ang malambot ko naman na puso ay pumapayag, "If that woman decided to leave you permanently because of your childishness then I will kick your butt."

"This is not kid's work, this is love."

Wow, love? Ginagawang saktan dahil sa love? Interesting pero, "So, ano ang gusto mong gawin ko ngayon?"

"Kiss me."

Parang nakarinig ng hindi dapat. Buti na lang ay hindi pa naiinom ang hawak na basong puno ng four season. Ibinalik iyon sa lamesa at sweet akong tumingin sa kanya. Kaya doble ang ibabayad dahil sa kiss?

Pero baliktarin man ang mundo, kahit walang Sky sa harapan ay walang balak gawin ang magkaroon ng regrets. Isa lang ang sinubukan at iyon ay dahil sa nababaliw na puso. Sinabi ko ang dapat, "Ayoko Ford, isang lalake lang ang hinalikan ko at ayoko ng iba pa."

Nakita ang kaseryosohan ko at hindi namilit.

"Kung halikan ni Haru si Froi makakaya mo ba? Sobra mo na siyang sinasaktan at baka hindi niya makayanan ang susunod at tuluyan na siyang mawala sa'yo." Tumayo ako para sa pag-alis.

"Acelus?" Si Dwein na tumayo rin.

"I'm going," sabi ko nang may mahinahong pasensya pero walang ngiti.

"I will walk with you."

"Don't bother."

"I insist."

Hindi ko siya pinansin at si Froiland ang kinausap. "Ihatid mo ako, Froi."

Tumayo ito agad at nagpaalam sa mga kasama.

Dumaan ang paningin kay Sky.

Puno ng hinanakit ang ipinarating sa pamamagitan ng titig.

TIME SLOT

Hanggang sa umalis sila ay nakahabol ako ng tingin.

Natigilan nang makitang hinawakan ni Cleofford ang kamay ng babaeng kasama kanina ni Froiland. Hinila paalis sa lugar na ito.

Ang kaibigan ay nakatulala at napa-upo ulit sa tabi.

An unexpected situation.

Sari saring damdamin ang naglalaro ngayon sa loob. Gusto ng takbuhin ang umalis at ako ang maghahatid. Ginawang huminahon at huminga ng malalim. Kinuha ang hindi nagalaw na inumin at uminom ng diretso.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now