CHAPTER 22

149 7 0
                                    

MINUTES PAST

Nakatitig ako sa harapan, ang isa sa art piece portrait ng Havillan.

Ito ang portrait na regalo sa akin ng isang artist. Dream house nito ang bahay at ang katulad ko ang humawak ng pagpapatayo noon, isang sideline habang nag-aaral pa. Ginawang idonate ito dito sa Havillan.

Sa pwestong ito at sa harap ng painting ay naalala ang ikalawang tagpo sa isang Sky Fonrer.

Ang may-ari ng pangalang iyon ay papalapit ngayon.

Habang papalapit ay tinitigan ko ang mga nakikita. Sa konting segundo ay malaya ang mga mata matitigan ang hinahanap ng nababaliw na puso.

Nang makalapit ay tumayo at humarap sa painting, katulad ng sariling pagkakatayo. Kagaya noon sa exhibit, kaparehas nagdikit ang dalawang braso, at malayang dumaloy ang init sa isa't isa.

"Remove your eye cover," sa husky nitong boses, walang kurap sa pagkakatitig, sa paraang nakikita ang kabila ng sunglasses.

"Do you want to see my eyes?" Tanong ko. Nagugustuhan ang lahat sa kabila ng malakas na kabog ng puso.

"I want to see what I wanted to see. It's up to me," sa iritado ng boses.

"Sure." Sinunod ito at inalis ko ang takip sa mga mata.

Nagtama ang paningin. Konektado at walang balak maghiwalay. Ayon sa nararamdaman at ayon sa klase ng titig para sa akin.

Hanggang nagbago sa pagtitig na iyon, mula sa lalake mismo. Parang naging matakaw at naghahangad ng hindi maintindihan.

"Why are you looking at me like you miss me so much?" Tanong ko. Pagkasabi ko ay nagpakita nga ang inaasahan.

Napangiti sa napansin.

"Why are you smiling?" Parang wala sa sariling tanong. Tapos napapikit. Nang bumukas muli ang mga mata ay nagbago. "What did you whisper to Dwein?"

"Did he not tell you?"

"The what?" May bahid ng galit. "Did you tell him about us?"

"You accepted my invitation to meet here to ask that questions?"

"It's up to me the intention why I came here."

Ibinalik ang cellphone na binigay ko sa kanya kanina.

Naging tapat ako. "I told him that he and I could be good friends if there's no one-sided love in between."

Ayon sa peripheral vision ay nakatitig sa akin, habang nakatutok ang sarili sa harapan. Nang walang salita ay nagpatuloy ako.

"Remember that painting? That night during my election as the president of this company, you were standing here and I came and talked to you as a utility worker. Do you remember?"

Nang saglit kong lingunin ay kita sa reaksyon ang pagkaalala ng nakaraan.

"I remember you since I first saw you, because of that kiss," dugtong ko pa.

Ang paligid ay parang naging tahimik kahit dati ng tahimik. Ang lugar na ito ay papunta sa dako ng museum.

"And I remember you for the second time, as you stand on this same spot."

Parang hindi makapaniwala pero hindi muli nagsalita, dahil naghihintay sa sasabihin ko pa.

"And the third time, it was unintentional. And again, I cannot control myself coming to you." Ang kaganapan noon sa exhibit.

Dahil iyon palagi ang nangyayari, ako palagi ang humahakbang para lumapit.

"The fourth was on the island, it was intentional. Forgive me for being so rude to your privacy."

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now