CHAPTER 16

172 6 0
                                    

TWELVE MINUTES

May napansin sa anyo ng mukha pagkasabi ko ng nais.

Ang lalakeng unang hinalikan sa Baguio, at ang nakita nang gabing iyon sa first floor ng Havillan ilang buwan ng nakakalipas ay muli nagkatagpo ng landas dito ngayon.

Ang sinabi sa isip noon na hahanapin ito kapag may panahon, hindi iyon nagawa dahil tambak ang gawain at nawala sa isipan. Mas lalo pa dahil sa dami ng lalakeng umaaligid, walang panahon sa ganitong bagay.

Iyon ay ang lumapit mismo sa mga lalake. Maliban ngayon.

Wala sana balak lumapit pero naging curious sa isang bagay. Pagbibigyan ang curiosity para malaman ang pagkakaiba. Kung noon ay cheap ang tingin sa akin, ngayon ay walang itinago sa anyo. Nais subukan ang ganitong pagkakataon, kung ano ang ituturing sa akin sa ganitong ayos at mukha.

Sa ilang hakbang ay nagawa kong lumapit. Sinadyang idikit ang braso ko sa braso niya. Ang mainit na pakiramdam mula roon ay dumaloy sa loob, at ang pagtitig nito sa akin ay mas lalong dumagdag sa init na iyon. Ganoon din ang mga munting usapan habang ito mismo ang nagtatanong.

Sinabi ko ang pumasok sa isipan para malaman ang kapalit ng curiosity kung bakit ginawa kong lumapit ngayon. "The normal time frame of entering and leaving that room is ten minutes. My condition is, I will be your girlfriend for twelve minutes."

Sa pagtitig ko sa kanya ay nakuhang parang may hindi kaaya aya sa sinabi ko.

"Why twelve minutes?"

Parang isa itong laro sa lalake.

At para sa akin ay hindi, seryoso ako ngayon. "I have two reasons I should do as your girlfriend with that another two minutes."

Halata na sa mukha hindi papatulan ang proposal ko.

"I will tell you the reasons after you agree," sabi ko pa.

"Do you think I am too desperate to enter that room?"

Good question. "Depende sa iyo kung tatanggapin mo." Dahil malayang tumanggi, hindi mahilig mamilit. Inalis ko sa kanya ang paningin at sumilip sa wristwatch, nakalinya ang iba pang gawain para sa araw na ito. "I am not playing, if that is what your thinking."

"Then, go on your way dahil hindi ako interesado."

Not interested. Halata nga sa sinasabi ng pagkatao nito. Tinanggap ko iyon kahit may bahid ng panghihinayang. Naumpisahan na kasi ng isip bumuo ng isang plano.

Lumayo sa pagkakadikit namin dalawa, saka humakbang paalis. Nakasunod ako ng tanaw sa kanya. Balak na yata nito lisanin ang lugar dahil sa exit patungo.

Paalis na rin sana sa pwestong ito nang mapansin ang pagtigil ng lalake sa paglalakad. Nakaharap ito sa color coding booth, mayroon pitong malalaking glass bowl ng pinaglalagyan ng bawat kulay. Kapansin pansin ang isang bowl doon na halos napupuno na at malayo ang agwat sa iba.

Lumingon sa akin ang lalake, habang nanatili akong nakatayo sa pwestong ito. May curiosity ang tingin nito, napansin iyon kahit may agwat ang pagitan.

Hindi inaasahan nang humakbang pabalik.

Hinarap ko siya ng walang emosyon ang nais kong iparating.

Seryoso ang balik. "Gawin natin ang kondisyon mo."

Itinaas ko ang mukha sa pagkakatingala ko sa kanya, hindi ipinakita ang ngising gustong ilabas. "As you say so." Sinilip ko ulit ang orasan. "Huwag ka mag-aalala, masunurin ako sa oras."

"I am not concern on that matter." Sa titig nitong gusto iparating ang professionalism.

"Then, our time starts now," sabi ko.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now