CHAPTER 13

154 6 0
                                    

AFTER A MONTH

Ang pagtitipon ng lahat para sa espesyal na pagpapalit ng management sa kompanyang ito.

"Let's welcome, the youngest newly elected CEO of Havillan Con, Architect Acelus Kyung!"

Nagpalakpakan ang lahat ng ipakilala ako mula sa mga dumalo sa pagtitipon.

Pumunta ako sa harapan ng lahat. Hinintay muna matapos ang applauses bago nagsalita. "Thank you, thank you for everyone. Especially to Architect Oda Villan for coming here, and also to Mr. Lazaro Hall for supporting and trusting my capabilities to come into this moment of my life," sa pormal kong pananalita. Ito ang unang sinabi para bigyan ang credits ang mga taong sumuporta.

Nagpalakpakan muli. Mayroon din bulungan.

Walang suot na disguises ngayon. Kahit ang boses ay normal dahil nandyan ang papa at ang lolo. Kung may dating schoolmate man dito ngayon ay siguradong hindi maniniwala na ako si Acelus Kyung.

"I will not make my speech longer. I just wanted to say, together, let's diligently work with our heart's content. But I will give an admonition," ngumiti ako ng napakatamis. "I am speaking to all, I am not easy to be with when you are going to do something unjustifiable, and I am kind to those whose heart is to work honestly."

Lahat ay natigilan sa nasabi ko. Maraming nagtatrabaho dito ay puro pagalingan, pataasan at nakapasok dahil sa connections.

"Thank you, and enjoy the night." Saka umalis ako sa harapan nila. Naglakad papunta sa kwartong reserve para sa akin.

Hinarap ang sarili sa salamin, marami na rin nagbago sa sariling anyo. Sa tamang salita ay ibinalik ang totoong anyo. Nakasanayan noon sa school ay nagsusuot ng nerd na kasuotan. Tinatakpan ng make-up ang totoong mukha at palaging may voice modifier ang boses. Pati na rin ang buhok ay palaging nakataas sa pagkakatali.

Ngayon, ito ang totoong anyo. Nakalugay ang mahabang buhok na kulay itim. Habang ang mga matang parehas sa aking ina na mapanlinlang dahil inosente na hindi marunong magbigay ng killer eyes, ay sa likod niyon ay maraming hindi pinapakita. Ganoon din ang ilong at labi na cute daw tingnan. Katamtaman ang laki at hindi maliit sa paningin. Ang nakakatawag ng pansin ay kapag ngumingiti ang mga labi at kapag nagsasalita, may dalawang biloy ang lumalabas, maliit nga lang.

Nakasuot din ng formal white office dress na hapit sa katawan, hanggang tuhod ang haba at may cream belt sa gitna. Pwede ng itabi sa presidente ng pilipinas.

Habang ang morenang balat, resulta dahil sa trainings at palagi sa initan ay bumalik na sa dati, naging maputi malapit sa pagiging maputla. Mas gusto ang morenang kulay kaya sa initan ng ilang taon pero bumalik din agad nang kinulong ang sarili ng ilang buwan para sa review sa exam. Sayang ang naging maintenance.

"Acel."

Pumasok sina papa at lolo sa loob.

Napangiti sa mga ito dahil sa ekspresyon ng mukha lalo ang sa ama.

"Congratulations, anak!" Proud habang nakatingin si papa. "Anak ba talaga kita?"

"Ang alam ko po ay anak ako ni Oda Villan. Kyung nga lang ang surname ko," natatawa kong sabi.

Nagbigay ng mahigpit na yakap. "Anggaling mo Acel. Proud sa'yo ang papa."

"Salamat, Pa."

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo at magsorry din."

"Bakit po?"

"Because I did not believe in you. I did not believe when you said you were going to take Havillan back to our family."

BOOK 3 - UNLIMITEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt