PROLOGUE

192 6 0
                                    

Lumabas sa hotel room at pumunta sa hotel cafe para sa sundin ang hinahanap ng sikmura. Madaling araw at sobrang malamig ang panahon kahit February na dito sa Baguio.

"Isang hot chocolate po," sabi ko sa kaharap sa counter. Lumingon sa lugar, walang masyadong customer.

May suminghot mula sa kanan at napadako doon ang atensyon. Isang lalake nakaupo mag-isa sa pandalawahan na lamesa at nakatanaw sa labas ng bintana. Mula sa side view ay nakitang may kumislap sa gilid ng mata nito.

"Ah, dalawa na po pala na hot chocolate," habang hindi inaalis ang tingin sa lalake.

"Here is your order, ma'am."

"Salamat." Saka pinuntahan ang pakay.

Ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang dalawang hot chocolate at umupo sa bakanteng upuan. Ang isang baso ay sa tapat mismo ng lalake.

Sa pagharap ay mas napatitig ako sa lalake. Masasabing gwapo, dahil itim na itim ang kulay ng mga mata at malamlam. Habang matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Ang buhok ay itim at maikli, bumagay sa hugis ng mukha ang gupit. Ang kulay ng kutis ay tan at makinis sa paningin.

Binalik nito ang cup. "Umalis ka dito."

Suplado pero hindi halata sa mukha. "Makikiupo lang," sabi ko.

"Maraming bakante, doon ka sa kabila," sa ma-awtoridad at buong boses. Sanay yata mang-utos.

"Para sa iyo 'yan." Inilapit ko ulit ang cup. "Malungkot ka kasi kaya binili ko para sa'yo."

Hindi yata nagustuhan ng pandinig. "Alam mo ba ang salitang privacy?" Maamo pa rin ang mga mata pero ang boses ay nakakatibag ng pader.

"Oo."

"Kung alam mo, bakante dapat ang upuan na 'yan."

Balewalang humigop ako ng hot chocolate. "Sorry, akala ko kasi kailangan mo ng makakausap kaya nilapitan kita."

"Kailan ka aalis?" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses.

"Aalis na po."

Tinalikuran ko siya. Tumigil agad nang may maalala, ang pinagtatawanan kanina sa hotel room. Naka-isip ng kalokohan, aksyon ang kailangan sa balak.

Lumapit ako sa lalake at ikinulong ko sa dalawang palad ang magkabilang pisngi niya kaya napaharap ang mukha sa akin. Hindi agad nakapalag dahil sa mabilis kong kilos pero marahan.

Binigyan ko ng madiin na halik ang labing parang naghihintay. Ipinikit ang mga mata para madama iyon.

Ang bawat himaymay ng katawan ay naramdaman, ang kakaibang pakiramdam na nagugustuhan. Ginalaw ko pa ang sariling labi na parang eksperto pero walang alam. Pero ang ginawa ay alam na parang tama kahit unang beses ito.

Inilayo ko ang pagkakadikit nang makuha ang nais, dahil ang balak ay three seconds lamang. Tumitig sa mga matang sobrang malapit, tulala ang mga iyon. Humiwalay ako ng tuluyan at tumalikod, naglakad na parang walang nangyari.

Napatigil pagkatapos ng ilang hakbang, naalala ang hot chocolate kaya bumalik ulit at kinuha iyon sa lamesa. Mula sa peripheral vision ay hindi pa kumikilos ang lalakeng hinalikan kaya bahagyang sinulyapan ito. Nakatitig ngayon sa akin na parang ngayon lang ako nakita.

"Nagustuhan mo?" Tanong ko.

Umawang pa ang mga labi, mas lalong hindi makapaniwala ang anyo.

"If you want more--"

Napatigil nang tumayo ito mula sa pagkakaupo, napatingala ako pagkatapos.

"Cheap woman."

Nasusuyang sinuri ng mga mata nito ang mula ulo hanggang paa ko. Pandidiri ang pumalit sa anyo. Hanggang sa tumalikod at naglakad palabas ng cafe.

I'm cheap? Tumingin sa sarili, napangisi dahil nga sa itsura ngayon. Talagang mapag-iisipang cheap dahil sa disguises na suot. Sobrang ikling dress na hapit sa katawan. Tinakpan din ng makapal na make-up ang suot na balat sa mukha.

Bakit kasi naisipan ito ni Emerald at Sophia na ganito ang suotin?

Naalala ang mission mamaya. Napangisi na lamang sa naging karanasan.

Makabalik na nga.

BOOK 3 - UNLIMITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon