CHAPTER 19

150 8 0
                                    

MOMENT OF HOUR

Iniiwas ang sariling paningin sa isang taong tinititigan ng lahat.

Dahil kuha ng babaeng iyon ang mga mata ng mga taong nandito. Rinig ay isa ito sa usapan ng gabing ito. Isang batambatang CEO, mayaman, matalino, sikat na arkitekto at higit sa lahat, ang kagandahang habulin ng mga kalalakihan.

Ang babaeng nakahalikan na ng ilang beses.

Mas piniling uminom ng tubig para sa nanunuyong lalamunan. Nakatulong ang hagod ng likido, pero hindi iyon sapat. Ang pinaka-solusyon ay isa lang. Iniwas ulit ang mga mata nang mapansin sa malapit ang mga flirt sa paningin. Hinuhuli ang sariling mga mata para mabigyan sila ng pansin. May mga kasamang escort ang mga ito pero naghahanap pa ng iba.

Sa paglipat ng tingin ay nagsalubong sa babaeng iniiwasan. Awtomatikong inilipat ko sa iba. Ang kabog sa dibdib ay malakas ang pagtambol.

Ang usapan noon, hindi akalain hindi pala madali sundin ngayon. Madali para sa ibang bagay.

Dahil hindi rin akalain nandito ito ngayon.

Napahinga ng malalim. Inalis lahat ng hindi dapat. Nakatulong rin ang tubig pakalmahin ang nababagabag na kalooban. Ang dibdib ang mahirap ikontrol.

Tumalikod at pinagkaabalahan kumuha ng makakain. Binalik ang alaala sa nakaraang oras. Ang layunin ng okasyon na ito ay isang business venture para sa karamihan. Ang magkaroon ng koneksyon sa mga makapangyarihan. Ang isang Froiland Weslee ang pinakahabol nila dahil tinagurian itong isang hari ng negosyo. Lahat ng nahahawakan at konektado ay umuunlad kahit ang pinakamaliit na bagay.

Kakaiba ang mga pamamaraan.

Ngayon ay naghahanap ito ng potential sa mga taong naririto. Ang dahilan ay hindi lahat ng pag-unlad ay galing sa itaas, mas makikita iyon sa ibaba.

Pagkakuha ng pagkain ay saka tinalikuran ang lamesa, sa pagharap bago maihakbang ang mga paa ay hindi nagawa. Hindi makagalaw sa kinatatayuan sa maraming dahilan.

"I miss you."

Nawalan ng hangin ang baga. Dahil ginagawang ilabas ang lahat ng hangin, at dahil napuno ng pabango ng babaeng katabi, parehas ng amoy ng gabing iyon. Huminga ng malalim, pilit pinakalma ang nahihipnotismong pagkatao. Ang magandang boses ay hindi ipagkakaila nagustuhan ng pandinig. Ang hindi handa ay ang magkahawak na kamay, tago mula sa makakakita. Ang init ng balat ay parang nagkonekta sa mga ugat, diretso sa lahat ng parte ng katawan.

"I thought we clearly agreed to think we do not know each other when this time comes?" Sa buo at mahina kong boses para tapusin agad ang hindi kontrol na sitwasyon.

Nagwagi mapaghiwalay ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

"And I also told you I won't let you touch me again."

Pero napansin, parang balewala ang mga tinapon kong paalala.

"I can kiss you right here. I do not care if they look at us. What I want is to kiss you again. Can I do it right now or we can go somewhere and do it?"

Saglit napatulala ako sa narinig, hindi makapaniwalang ibinalik ko. "You are impossible."

"I am not. I think I will wait on the rooftop."

Lumayo at naglakad papalayo.

Nanatili ang mga paa sa kinatatayuan.

Nang may mga lumapit sa pwestong ito ay saka nagising sa saglit na pagkawala sa tamang pag-iisip. Inilapag sa lamesa ang sana ay kakainin. Inayos ang buong pagkatao at ibinalik ang dati. Patuloy nagmasid sa boss, may kausap itong tao sa isang tabi. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Hindi pansin wala na ang babaeng kasama.

BOOK 3 - UNLIMITEDWhere stories live. Discover now