Kabanata 5

1.7K 78 10
                                    

KABANATA 5

Kaagad kaming umalis pagkaangkas ko rito. I thought he would bring me to the old factory where the Dragons were so I was a little sad when he parked his motorcycle in front of the car shop instead.

Bumaba ako at luminga sa aming paligid habang tinatanggal ang suot na helmet. Nagbabakasakaling nandoon sina Jepoy pero muling nabigo nang hindi sila matagpuan.

"Dito ka lang muna. May kukunin lang ako sa loob," sabi nito nang maisabit ang kanyang helmet sa isang hawakan ng motorsiklo, "Huwag kang aalis. Baka pagbalik ko, wala ka na naman, lagot ka talaga sa akin," babala nitong may tinatagong ngisi sa labi.

I sighed.

"Oo na. Dito lang ako."

"Good," sabi lang nito na ngayon ay ngiting-ngiti.

Ginulo-gulo pa nito ang aking buhok at asar ko naman iyong pinaalis. Tawang-tawa naman siyang tumakbo papunta sa loob ng talyer. Umupo ako sa may gutter ng daan at nilapag ang hawak na helmet sa tabi habang pinapanood siyang masiglang kausap ang kanyang mga katrabaho.

Minsan hindi ko malaman kung ano talaga ang tingin sa akin ng lalaking iyon: kung kapatid ba o alagang aso. I couldn't help blushing when I remembered how his lips felt against my skin. They were so soft... Was that one of the reasons why girls were crazy over him? My chest painfully constricted when thoughts of him kissing those girls in his room crept in my head.

"O, sino naman ang kaaway mo at nakasimangot ka riyan?"

I blinked a couple of times when I heard his voice and saw him already bending over to take a seat beside me. Nilapag nito sa harap ang bitbit na lalagyan bago binuksan. Tumambad sa akin ang mga kagamitan ng first aid.

"Hindi na kailangan, Ren. Konting galos lang naman ito. Kayang-kaya kong gamutin pag-uwi ko mamaya," agap ko.

Tinitigan niya lang ako nang nakataas ang isang kilay habang kumukurot nang konting bulak bago pinatakan ng alkohol. Aatras pa sana ako nang makitang lalapatan na nito ang galos sa aking pisngi ngunit napatigil din nang maramdaman ang marahang paghawak ng isa niya pang kamay sa panga ko.

Halos hindi na ako huminga nang nakita kong inilapit pa nito ang kanyang mukha para mas makita ang aking mga galos. Kita ko ang panandaliang pagtingin nito sa aking mga mata bago ibinaling sa mga kalmot. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kanyang mga labing ilang pulgada na lamang ang layo sa akin. Wala sa sarili akong napalunok habang pinapanood kung papaano nito basain ang pang-ibabang labi at hayaang nakaawang. Unang dampi ng bulak sa aking balat, ramdam ko agad ang hapdi. Bahagya akong napaatras dahil dito.

"Huwag kang malikot," saway nito bago muling pinatakan ng bulak ang ilan ko pang galos, "Bakit kasi umaakyat pa ng puno hindi naman unggoy?" Dinig kong bulong nito sa sarili.

"I just wanted to take a little nap," pagdadahilan ko na agad pinagsisihan dahil muli na naman nitong binalingan ang aking mga mata. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Kung gusto mong magpahinga, pumunta ka sa library. Doon ako naka-assign kapag break time ko. Pwede ka roon," sabi nito bago binalikan ang pagdadampi ng bulak sa aking mga galos.

Oh, so he's a Library Assistant when he's not in class... Lihim akong napangiti sa nalaman.

"Kinukulit ka pa rin ba ng mga kaklase mong lalaki?"

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon