Kabanata 44

1.1K 59 19
                                    

A/N: Belated Hearts' Day to everyone! Sana hindi nabasag ang mga puso niyo sa araw na iyon. Haha. ;")

KABANATA 44



Tahimik kaming dalawa buong biyahe at tanging ingay lang ng kanyang motorsiklo ang nagpapaalala sa aking nasa kasalukuyan ako at totoo ang lahat ng ito. Totoo iyong nangyari kanina sa dalampasigan. Totoong nagpakita na si Ana at tulad ng aking kinakatakutan, naniningil siya sa nagawa kong kasalanan sa kaniya — sa kanilang lahat.

Napahigpit ang hawak ko sa baywang ni Ren nang maalala ang lamig ng titig nito. Napansin niya iyon dahilan para bahagya niya akong sinilip. Wala pa rin siyang sinabi at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho.

When we finally stopped, I silently climed down his motorcycle and saw that he brought us to the Kurozawa's vineyard.

"Dito ka lang muna. Magpapaalam lang ako sandali sa naka-duty. Huwag kang aalis," banta niya sa huli at bago pa ako makasagot ay umalis na siya at agad na tinungo ang front office.

Sandali kong nilibot ang paningin sa paligid. Wala naman masyadong pinagbago mula noong huli. Just maybe the grapes weren't ready for harvest yet.

Nang binalikan ako ni Ren, kaagad din kaming pumasok. At dahil Sinulog ngayon, wala masyadong tao sa loob ng ubasan. Dinala niya ako sa pinakagitna ng farm at muli na namang namangha nang makita iyong gazebo. Nauna siyang maupo sa bench nito. Tumigil muna ako sa may paarkong tulay ng gazebo at pinanood ang mga naglalanguyang koi sa ilalim nito. It's true when they said there's something soothing about watching fishes swim.

"Hindi ko talaga maintindihan kung paano nila nasabing suwerte ang mag-alaga ng mga isdang iyan."

Halos mapatalon ako sa biglaan niyang pagsalita. Hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit. Sandali niya akong dinungaw bago inihilig ang mga braso sa barandilya ng arko at muling pinagmasdan ang mga isda.

"Ang mahal na nga, kailangan mo pang alagaan. Tss. Bago ka pa suwertehin, mauubos muna ang pera mo," dagdag pa niya.

"It's been a long tradition for most Asians to breed koi fishes. True, they're most known for supposedly bringing prosperity to their owners, but some also believe that these beautiful creatures can prevent curses or bad luck for them. Iyon nga lang, ang kapalit ng pagsangga ng malas na iyon ay ang kamatayan nito," wala sa sarili kong tugon.

Hindi ko maiwasang maihalintulad ang nangyari sa gabing iyon sa kapalaran nitong pinapanood na mga isda. They had colorful, innocent lives, swimming along with their equally beautiful peers, until bad luck came to their masters and ended everything.

"Kalokohan!"

Napapitlag ako sa biglang sinabi ni Ren at mabilis siyang nilingon. Sandali niya akong dinungaw bago ibinalik sa mga isda ang kanyang mga mata.

"Ano naman ang kinalaman niyang mga isda sa mga nangyari at mangyayari sa kanilang amo? Sila ba ang may hawak ng pag-iisip at mga desisyon ng mga ito? Hawak ba nila ang mga buhay ng mga iyon? At kung magkandaleche-leche, iyong mga isda ang sisisihin? Ang tanga lang..."

He took a step to one side so he could face me as he leaned his elbow on the railing. Nakataas ang isang kilay nitong diretsong tumitig sa aking mga bughaw.

"But enough with those fishes. I don't really care what happens to them. Mga isda sila, hindi Diyos, kaya mamamatay talaga sila may malas man o wala."

Hindi ako nakapagsalita at napaawang na lamang ang bibig sa mga narinig.

"Ang gusto ko talagang malaman at matagal nang naging palaisipan sa akin..." He paused and I swallowed the growing bile inside my throat.

Alam na alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Hindi ko lang alam kung kaya kong sabihin sa kanya ang lahat. Dahil maging ako ay pilit pa ring iniiwasan ang bahaging iyon ng aking buhay.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now