Special Chapter 1

1.1K 32 2
                                    

A/N: Konnichiwa! Maraming salamat po sa patuloy na suporta. Alam ko pong marami na po tayong naghihintay para sa mga bagong kapanapanabik na kabanata sa ikatlong yugto ng buhay ni Aya. Sinimulan ko na po siyang isulat. Konting panahon pa po dahil masyadong maraming pakulo si life ngayon. Humihingi po ako ng pasensiya sa inyo. Para po hindi niyo masyadong ma-miss si Ren, I'll be posting special chapters in his POV. I hope you'll enjoy them . *mwah*

SPECIAL CHAPTER

"King, hindi ka ba sasabay?" Tanong ni Alex pagkatapos ng palabas namin sa birthday party ng anak ni Doctor Fontillas.

Ang mga Fontillas ay kilala bilang may-ari ng iilang mga private hospitals sa Visayas. They paid us to perform for their only daughter's fifteenth birthday. She was one of the girls who bullied Aya in the university before.

Tamad kong tinignan ang kabanda bago ipinakita ang hinihithit na sigarilyo.

"Tatapusin ko lang ito at aalis na rin pagkatapos," sagot ko bago ibinalik sa binabantayan ang paningin.

"Sige, mauna na kami!" Narinig kong utas nito.

Hindi ko na siya nilingon at itinaas na lamang ang aking kamay bilang pagsagot. Nanatili ang aking paningin sa papauwi na ring mga panauhin ng party habang humihithit sa aking sigarilyo. Saglit akong napatitig doon matapos humithit. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang sigarilyo ko na ito mula nang magbalik si Aya sa buhay ko. Ganoon na karaming instances akong na-frustrate ng babaeng iyon.

Kung bakit kasi napakabata niya pa!? 'Tang-inang buhay 'to, o! Hirap na hirap na nga ako sa pagpipigil, ang dami-dami pang mga asungot na gustong pumapel! Ginulo-gulo ko ang aking buhok sa mga naisip nang mapansin ang paglabas ng taong kanina ko pa hinihintay na lumabas.

Kaagad na nagningas ang galit sa dibdib ko nang maalala ang muntik nang magawa ng hayop na iyon. Humithit pa ako sa huling pagkakataon bago ko iyon pabalang na itinapon sa lupa at saka inapakan. Sandali akong yumuko para kunin ang iilang mga bagay sa loob ng aking bag at pagkatapos ay maingat na dumaan sa kabilang banda para hindi ako mapansin nang inaabangan ko.

"Sige, Pare, una na ako!" Narinig kong sabi nito sa mga kaibigan.

"Next time piliin mo iyong hindi boring!" Nagtawanan ang mga ito at may pakiramdam ako kung saan patungkol ang joke nila.

"Man, that bitch was such a turn off!"

Nagtawanan ang mga gago. Gustung-gusto ko nang pektusan ang hayop kasama ng kasingtarantado niyang mga kaibigan pero pinigilan ko ang aking sarili. I didn't need unnecessary attention to get even with this bastard.

"I thought she was game and all but damn..." tawa pa ng gago.

I maintained my position in the shadows, clenching and un-clenching my impatient hands as I've waited for his friends to leave.

Ilang sandali lang, naiwan nang mag-isa ang hayop. Umikot siya para buksan ang pinto sa may driver's seat at saka pumasok sa loob. Nang subukan niya itong paandarin, hindi ito gumana tulad ng aking tantiya. Taka itong lumabas habang tinitingnan ang sasakyan. I saw him about to take his phone out, maybe to get some help. But I took this as a chance to attack. I quickly donned my mask as I approached him from behind.

"Hey, asshole!" I called.

As soon as he turned around, I grabbed his neck and pushed him against the side of his expensive SUV. I watched as his face lost its colors when he saw my mask.

"You thought you can easily have it all, hmm?"

Idiniin ko pa siya lalo habang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa leeg niya. He squirmed as he tried to fight me off but I was just too strong for him.

"What do you want from me?" He croaked, realizing the difference between our strengths.

I smirked at his helplessness. I grabbed the front of his shirt and pulled him without care.

"Akala mo papalagpasin ko ang ginawa mo kanina?" I spat and gave him a hard punch on the gut.

He groaned as he fell on the ground, crouching, his hand on his stomach. Tumingala siya sa akin at nang magtama ang aming paningin, naalala ko kung paano niya puwersahang hinila si Aya sa bangkang iyon at idinikit ang mukha niya sa leeg nito.

Lalong nag-init ang ulo ko. Muli kong hinigit ang kuwelyo niya paitaas, nanginginig ang buo kong kalamnan sa galit. I was caught off guard when he managed to land a punch on my face. Napaatras ako at nakita niya iyon bilang pagkakataon para makabawi.

"You filthy piece of shit-" Sigaw niya nang aakmang susuntok na naman sa akin.

Mabilis ko iyong naiwasan at binigyan siya ng isa sa tagiliran at isa rin sa panga. Kaagad siyang natumba sa lupa. Nilapitan ko pa siya at binigyan nang magkakasunod na sipa sa tiyan.

I stopped when I saw him cough up some blood. Tumingala siya sa akin at kahit duguan, nakuha pa nitong tapunan ako nang matatalim na tingin.

"Whoever you are, I swear, I'll make you pay for this!"

I smirked at his made-up courage. Walang-ingat ko siyang dinampot at marahas na isinampa sa kanyang sasakyan. Diniin ko ang pagkakahawak sa kanyang leeg at nagkukumahog ang ulol na tanggalin ang kamay ko rito. Dinukot ko ang itinabing patalim at walang pasabing isinaksak iyon sa katawan ng kanyang sasakyan, malapit lamang sa kanyang tagiliran.

The bastard froze at what I did and it seemed like he's wet his pants.

"Sa susunod na bastusin mo ang hindi sa iyo, hindi ako magdadalawang-isip na lagyan ka ng gripo. Naiintindihan mo?!"

Tumango siya nang maraming beses, tuluyan nang nawala ang tapang niya.

"Good. Now, fuck off!" Untag ko bago siya pinakawalan.

Nagkukumahog naman siyang tumayo at mabilis na lumayo sa akin. Itinutok ko pa sa kanya ang patalim.

"Tutuluyan na kita kapag nagpakita ka pa rito, maliwanag?!" Banta ko pa at kaagad naman siyang kumaripas ng takbo, hindi na kailanman nagpakita.

つづく

Paper PlanesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz