Kabanata 23

1.2K 61 8
                                    

KABANATA 23

"What happened?"

Three sets of worried eyes stared at me the next day at lunch. Kanina pa natatakam na magtanong ang magkapatid sa classroom namin pero dahil may exam kami, hindi nila nagawa. Muntik namang mabitawan ni Miyu ang dalang pagkain nang makita ang mga bendahe sa aking katawan. I have bandages on both of my arms, neck and my right cheek.

"Sinabi ko na kanina, hindi ba? Naaksidente ako kahapon nang inakyat ko iyong isang puno ng mangga. Tsaka, galos lang ito... malayo sa bituka kaya huwag niyo masyadong alalahanin," sagot ko nang natatawa.

Nagkatinginan iyong tatlo, tila hindi kumbinsedo sa aking sinagot. Hindi nila kailangang malaman kung anong totoong nangyari. Luminga ako sa aming pwesto para iwasan ang kanilang paningin.

"Himala yata at wala sina Himura at Drake?" I asked, trying to change the subject.

"Himura-san said he won't be able to join because he has some things he needs to finish and submit today," Kai answered as he took the seat in front of me while his brother seated beside him.

Tumabi na rin si Miyu sa akin bago inilapag ang mga nakabalot na pagkain.

"Ryu-niisan was called to the Director's office. He wanted you to know that he's saddened that because of this he won't be able to join you for lunch," anito habang isa-isang inaayos ang mga ulam.

"Pakisabing mas na-enjoy namin ang lunch dahil wala siya— Aray!" Bulyaw ni Kou na nagsisimula na sanang kumuha ng pagkain nang paluin ni Miyu ang kanyang kamay, "What was that for?!"

"I'm not done arranging the foods just yet. And besides," she paused as she gave me a rice bowl, "Aya gets to eat first. Kumuha ka na, Aya. My steamed fish is specially delicious today."

Nginisihan ko siya bago tumango at kumuha ng ilang piraso noong tinutukoy nitong ulam. Natatakam na sinundan iyon ng tingin ng magkapatid.

"Itadakima—" Papasubo na sana ako nang may nakitang pamilyar na tao sa aking harapan, nakapamulsa at nakangiti sa akin.

Nabitawan ko ang isusubong pagkain at napatayo.

"Kira!"

Mabilis na nagsilingunan ang aking mga kasama sa kanyang gawi. Binalingan niya ang mga ito at saka binati.

"I'm sorry to disturb your lunch but can I have a moment with Miss Moritake?"

Pagkatapos kasi ng nangyari ay agad akong dinala ni Gene sa isang pagamutan at pinagamot ang mga natamo naming sugat. Unlike his, my wounds were just shallow and mostly grazes; they wouldn't leave scars in the future. While he needed six stiches to fix the deep cut in his hand.

Hindi na namin pinag-usapan ang tungkol sa naganap. Hindi niya na rin tinukoy kay Mimi ang tungkol dito pagkauwi sa bahay. Tulad ng dinahilan ko sa kambal, sinabi niya na lang na naaksidente ako sa manggahan.

Ilang beses pa akong napakurap habang tinitingnan ang nakangiti pa rin nitong ekspresyon. Hindi ko pa rin mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan, kung nandito siya para tapusin iyong away kahapon o ano...

"If that's okay with you..."

Naibalik ang diwa ko sa pangkasalukuyan nang magsalitang muli si Kira.

"A... oo naman," agap ko bago binalingan ang mga kaibigan, "Mauna na lang kayong kumain. Mag-uusap muna kami..."

Pinulot ko ang nabitawang chopsticks, kumuha ako ng isang pirasong isda, at saka agad na isinubo. Sumabog ang sarap ng pagkain sa bibig ko at nakaramdam agad ako ng pagkatakam. Gusto ko pa sanang manatili para tapusin ang pagkain pero naghihintay si Kira. Bumaling ako kina Miyu habang inaabot ang aking backpack, handa na para umalis.

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon