Wakas

2.1K 68 22
                                    

A/N: Daghan kaayong salamat sa pagsubaybay niyo sa kuwento ni Aya at Ren. Ito na po ang wakas ng Paper Planes. But wait, there's more! Haha. May book 3 (final book) pa po ang kuwento ni Aya. Paper Moon po ang title nito. I hope suportahan niyo pa rin po ako sa mga susunod kong ikukuwento. Mabuhay po kayong lahat! Banzai! Banzai! Banzai!

Special mentions: Happy birthday po sa lahat ng March celebrants: Tri, Mirang, @zvina94, Marlugz, Bhing, Aika and yours truly! Hahaha! Gusto ko rin pong pasalamatan sina sexylove_yumi, @mikamyx at @ItsMeZedskie sa magagandang salita. Isa po kayo sa mga rason kung bakit kahit pagod na pagod na ako ay gustung-gusto ko pa ring magsulat at magkuwento. Sana ay huwag po kayong magsawa sa pagsuporta kahit minsan ang bagal ng mga updates ko. 😅 Thank you po nang marami! 😘😘😘

WAKAS

"Kulas, hilahin mo iyong isang dulo," utos ko sa kaibigang tumango at mabilis na kumilos.

Pinagtulungan naming hilahin ang nilatag naming pukot. Panlimang subok na namin ito simula noong pagdating namin. I grunted as we lifted the net filled with fishes inside our medium-sized boat. Mabilis namang ipinasok nina Noy Rolan at Noy Tarsing sa loob ng mga ice box ang mga nahuli, tinitiyak na iyong tamang gulang na mga isda lamang ang isinisilid at ibinabalik naman sa dagat iyong mga maliliit.

"Panghuli na siguro iyon, King. Ubos na ang lalagyan natin. At saka, papasikat na rin iyong araw..." Ani Noy Tarsing sabay turo sa pabubukang-liwayway na kalangitan.

Nakapamaywang kong pinasadahan ng tingin ang anim na lalagyang dala namin, bahagya pang hiningal dahil sa huling ginawa. Punung-puno ang mga ito ng mga huli naming kumikisay pa at tila gustong makawala. I turned towards the thin morning line in front of us before nodding to the old man.

"Sige, Noy Tarsing, balik na tayo," anas ko.

Agad namang tinungo ni Noy Rolan ang puwesto ng makina para buhayin ito at paandarin ang aming bangka. Ilang sandali lang ay umusad na ang sinasakyan namin pabalik sa dalampasigan. Kumapit ako sa hamba ng bangka habang pinagmamasdan ang pagkapal ng linya ng bukang liwayway, hinihintay ang pagsikat ng araw.

Naalala ko, ganitong-ganito rin noong tuluyan ko nang naamin sa sariling may gusto nga ako kay Aya na noon ay inakala kong isang lalaki. I thought I lost her then. I promised myself to do better if she ever returned. That I would treat her properly should she give me a chance. And she did. More than once.

"What do you want?" Asik ni Attorney Moritake sa akin matapos ko siyang alukin ng isang usapan.

Nakapamaywang ito at kanina pa ako tinatapunan ng matatalim na titig.

"You better start talking, Boy, while I could still stay calm. Ayokong magalit sa akin ang anak ko kung tuluyan kitang malumpo ngayong gabi."

Ramdam na ramdam ko ang matindi niyang pagtitimpi para sigawan ako. Nasa likod lang kami ng bahay nila at tulad ng paalala ng kanyang asawa kanina, marahil ayaw niya ring makagawa ng eskandalo.

I was still feeling a little faint from my fever but this was no time for feeling weak. I needed to let this man know of my intentions for his daughter.

"May gusto ako kay Aya, Attorney, at balak ko sana siyang ligawan pag—"

He scoffed at what I said, cutting me off.

"My daughter is just fourteen years old, you sick bastard! Lalo mo lang dinagdagan ang atraso mo. Umuwi ka na," anito at akma na sanang aalis.

"Liligawan ko siya pagdating ng tamang panahon," pahabol kong ikinatigil niya, "Believe me, Sir, I know and I understand that she's too young for a romantic relationship right now. Pero maghihintay ako. Hihintayin ko siya hanggang puwede na—"

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon