Kabanata 3

1.9K 75 2
                                    

KABANATA 3

Dumeritso ang mga sinusundan ko sa isang bakanteng lote sa likod ng aming University. Agad akong nagtago ako sa likod ng mga nagkukumpulang puno ng saging at tahimik silang sinubaybayan. Itinulak pa nila iyong tao hanggang mapaupo ito sa maputik na lupa.

The nerves of these men! Nanggigilaiti kong naisip habang pinipigilan ang sariling lumabas at isa-isa silang turuan ng leksyon.

"You still have the gall to present yourself as the club's representative after ruining our image with your lousy performance last year, huh?!" Asik noong isa bago ito sinipa sa tiyan.

Ikinuyom ko ang mga kamao para magtimpi sa nasaksihan. Marahang pinunasan noong nakaluhod sa lupa ang kanyang bibig. Pagkatapos ay tumingala ito at nginitian ang kanyang mga kasamahan.

"Yes. I'm the best kyuudouka in this country after all," matapang na sabi nito.

Ilang magkasunud-sunod na sipa at suntok ang natamo nito dahil doon. Hindi naman ito nanlaban at hinayaan lang ang mga ito.

What are you thinking?! Why aren't you fighting back?! Bigla kong naalala iyong huling pangyayaring nabugbog din ito. Hindi pa ba siya magaling?

"Baka akala mong may kapangyarihan pa rin ang pangalan niyo. Dream on, Kurozawa!" Asik ng tumatayong pinuno ng grupo, "Your days of rule are numbered! Kaya kung ako sa iyo, masanay ka ng nakalubog sa putik!" Hinaklit nito ang buhok ng lalaki at saka isinubsob ang mukha sa putikan.

Nang subukan nitong tumayo, inapakan ng pinuno ang ulo nito at muling isinubsob sa putikan. The boy struggled getting his face off the mud while the rest of them laughed at his demise.

When he finally got up, another boy pushed him and he fell over the mud once more.

"Iyan ang nababagay sa iyo! Yabang mo! Wala ka namang ibubuga!"

Hindi na ako nakatiis. Kumuha ako ng isang baling sanga at saka lumusob.

"Ha!" Isang malakas na palo ang ginawad ko sa tatlong pinakamalapit sa akin.

Mabilis na nagsilingunan ang lahat sa aking gawi.

"Who the hell are you?! Bakit ka nangingialam dito?" Asik noong pinuno nila habang iyong iba namam ay kanya-kanya ng kuha ng pwedeng gamiting armas nang makita nilang bagsak na sa lupa iyong tatlo nilang kasamahan.

"A middle schooler?" Narinig ko pang bulong ng isa.

Panandalian kong sinilip ang kalagayan noong pinagtulungan nila. Kahit nabalot na sa putik ang mukha nito, kita ko pa rin ang gulat sa mga mata habang tinitingnan ang ayos ko. Ilang saglit lang, nagbago iyon at napalitan ng inis. Inalis ko ang titig ko sa kanya at ibinalik sa mga kalaban.

"I thought bullying is old school nowadays. Something only immatures would do," maanghang kong tugon habang sinusundan ng tingin ang pumapaligid ng mga lalaki.

"You're not supposed to be here, little girl. But you attacked three of our men and actually made them sleep with just a piece of branch—"

"Don't worry, little boy, you'll join them in a little while," I promised, instantly cutting him off.

Little girl, huh? We'll see if you'd still have the strength to call me that after I let you learn how mud tastes like.

Paper PlanesWhere stories live. Discover now